ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino, ipinagtanggol sa planong pagtakbo sa 2016 polls at alegasyon ng 'vote buying'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Idinepensa ng Palasyo at ni senatorial candidate Bam Aquino ang kontrobersiyal na TV host-actress na si Kris Aquino laban sa mga batikos kaugnay sa plano niyang pagtakbo sa 2016 elections, at umano'y pabili sa boto ng isang taxi driver sa Cebu City. Sa text message sa media nitong Miyerkules, sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, na iginagalan nila ang opinyon ni Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes Jr., tungkol sa pagbibigay ni Kris ng malaking tip sa taxi driver matapos nitong hilingin na iboto ang mga kandidato na kanyang sinusuportahan. Basahin: 'Tip' ni Kris Aquino sa taxi driver sa Cebu, maituturing bang vote buying? "We respect Chairman Brillantes' opinion but we disagree with it. It is apparent that Ms. Kris Aquino decided to let the [cab] driver keep the change after he made it known to her that he was voting for the three candidates," paliwanag ni Valte. Una rito, ikinuwento ni Kris na binigyan niya ng P1,000 ang taxi driver na naghatid sa kanya sa hotel sa Cebu matapos niyang hingin ang suportahan nito para sa mga senatorial candidates na sina Grace Poe. Francis Escudero at pinsan niyang si Bam Aquino. Bagaman mayroon elemento ng vote buying, inihayag ni Brillantes na naniniwala siya na "done in good faith" ang ginawa ni Kris na magbigay ng tip sa drayber. Idinagdag naman ni Valte na ang driver ng taxi, "needed no persuasion nor was the money given in exchange for his vote as defined by the law." Nakasaad sa Omnibus Election Act na: "vote-buying gives, offers or promises money or anything of value... to induce anyone or the public in general to vote for or against any candidate or withhold his vote in the election." Karapatan ninuman ang kumandidato Samantala, sinalag naman ni Bam Aquino ang pinsan niyang si Kris kaugnay sa pakiusap ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ikonsidera ng TV host-actress ang planong pagkandidato sa 2016 sa ngayong ng “delicadeza.” Giit ni Bam, karapatan ng sinuman na tumakbo basta kuwalipikado ito at malinis ang intensiyon na magsilbi sa publiko. “I really don’t know where it is coming from. But everyone has the right to serve the public in a democratic society,” paliwanag ni Bam.  Idinagdag pa niya na tapos na ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III sa 2016, sakaling ituloy ni Kris ang planong pagtakbo. Basahin: Mayor Kris o Governor Kris?: Kris Aquino, posibleng pasukin na ang pulitika sa 2016 Una rito, inihayag ni Kris na plano niyang tumakbong alkalde o gobernador sakaling pasukin niya ang pulitika sa 2016. “By that time, the term of President Aquino has already ended.” Ngunit para kay Fr. Melvin Castro, executive secretary of the CBCP Episcopal Commission on Family and Life (CBCP-ECFL), hindi umano dapat pasukin ni Kris ang pulitika sa ngalan ng delicadeza at hindi ito dapat lumikha ng sariling dynastiya ng mga Aquino. Pero nanindigan si Bam na malayo pa ang 2016 pero susuportahan niya ang pinsang celebrity anuman ang maging desisyon nito sa larangan ng pulitika. “She is really able,  sabi niya she wants to reconnect in the area and really want to learn.  Ako, I will support her, kung gusto niyang tumakbo,” aniya. “(pero)Malayo pa ang 2016. Sa totoo lang palipasan muna natin ito.” - RP/FRJ, GMA News

Tags: krisaquino