Filtered By: Showbiz
Showbiz

Baby boy nina Kyla at Rich Alvarez, isinilang na


Isinilang nitong Mayo 5, 2013 ang panganay na anak ng Kapuso RnB princess na si Kyla sa asawa nitong PBA player na si Rich Alvarez. 
 
Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, ang kanilang baby boy, na pinangalanang Toby Elsiah C. Avlarez, ay may timbang na 7.6 pounds at habang 20 inches. 
 
 
Kahapon, nag-post ang RnB Princess ng litrato sa kanyang Instagram, isang photo sharing application, kasama ang kanyang baby boy. Kinuhanan ito ng kanyang asawa.
 
Bukod pa rito, nagpapasalamat din si Kyla sa mga tao na nagdasal para sa kanyang safe delivery.  
 
"Meet our little prince Toby Elsiah C. Alvarez hello world!!! thanks to everyone who prayed for our safe delivery. thank you daddy for the candid photo. We love you," pahayag nito sa kanyang Instagram.
 
Sa Twitter account naman ng basketbolista, masaya itong nagpasalamat sa mga tao na bumati sa kanya. 
 
— Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: kyla, richalvarez
LOADING CONTENT