ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ilang celebrity moms, unang beses magdiriwang ng Mother's Day


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ilang celebrity moms ang magdiriwang ng Mother's Day ngayong taon sa unang pagkakataon. Ano nga ba ang big challenge na hinarap nila sa pag-aalaga ng kanilang baby? Ilan sa mga celebrity moms na first time na magse-celebrate ng Mother's Day this year ay ang "Chika Minute" host na si Pia Guanio, Kapuso actress Katrina Halili, Asia's Songbird na si Regine Velasquez, humabol din Kapuso singer na si Kyla, at ang FM radio DJ na mas kilala bilang si 'Nicolehyala.' Ayon kay Nicolehyala, isa sa pinakamalaking hamon sa kanya bilang bagong mommy ay ang pagpupuyat sa pag-aalaga ng baby. "Ganito palang mapuyat, grabe. Ganito pala yung feeling na... drabe talaga, lagi nilang sinasabi nung buntis ako, 'habang antukin ka't buntis ka, namnamin mo 'yan. Kasi 'pag  lumabas na yung bata hindi ka na makakatulog," kwento niya. "Ang totoo nga hindi ka na makakatulog kasi konting iyak matataranta ka," dagdag niya.- FRJ, GMA News