ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bagong Kapuso actor Tom Rodriguez, hindi inasahan na makakasama agad sa malaking proyekto ng GMA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa story conference na ginanap para sa bagong primetime series na, My Husband’s Lover, dumalo ang mga lead star ng programa na sina Dennis Trillo, Carla Abellana at ang bagong  Kapuso actor na si  Tom Rodriguez.   Bagaman masasabing karaniwang istorya ng pagtataksil ang tema ng My Husband’s Lover, magiging kakaiba pa rin ang timpla ng drama series dahil ang magiging kalaguyo kasi ng bidang lalaki...kapwa lalaki. Gagampanan ni Carla sa serye ang karakter ni Lally, na misis ni Vincent na karakter naman ni Tom.  Magiging kahati ni Lally sa atensiyon ni Vincent ang "lover" nito na si Eric, na gagampanan ni Dennis. Sa panayam kay Tom, sinabi nito na hindi niya inaasahan na makakasama na kaagad siya sa isang malaking proyekto matapos maging isang Kapuso. “Sobrang overwhelmed lang ‘yung pakiramdam ko kasi hindi ko in-expect na after ng audition, ganito kabilis at ganito kalaki ‘yung mangyayari kaya sobrang saya ko. Sobrang excited ako sa opportunity na binigay sa akin ng GMA at sobrang nagpapasalamat ako at hindi na ako makapaghintay. I’m ready to work,” ayon sa aktor.   Tungkol sa kanyang karakter sa serye, sinabi ni Tom na, “Ito ang pinaka... masasabi ko ng hands down, pinaka-challenging role na magagawa ko to date.  Sobrang excited ako na pag-aralan siya at magawa ng tama. Excited ako na ma-share lahat iyon sa mga Kapuso natin.”   Excited na rin ang aktor na makatrabaho ang mga Kapuso star na kasama sa serye tulad ni Carla at Dennis.   “Unang una, nandoon yung respeto ko for Dennis as an actor. Kasi alam ko kung gaano siya kaseryoso at kung gaano siya kagaling sa craft niya kaya nag-e-expect ako na sana kahit kaunti man lang ‘nun, eh maisalin niya sa akin," ayon kay Tom. "Kahit papaano kasi I’ve known Dennis for a while na kasi magkapatid kami kay Popoy [Caritativo], we have the same manager. I’ve dreamed of working with him rin because I know how good he is and how hard he works kaya excited ako na maturuan din niya ako kahit papaano,” paliwanag pa niya.   Abangan gabi-gabi ang My Husband’s Lover na magsisimula na sa June 10. -- SPortillo/FRJimenez, GMA News