ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lino Brocka film 'Maynila sa mga Kuko ng Liwanag,' tampok sa Cannes Film Festival


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tinampok sa prestihiyosong Cannes Film Festival sa France na idinaos noong nagdaang linggo ang pelikulang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" na idinirekta ng National Artist for Film na si Lino Brocka.
 
Ayon sa ulat ng State of the Nation ng GMA News TV nitong Lunes, mismong ang bida ng pelikula na si Hilda Koronel ang nanguna sa pagpapalabas ng restored version ng nasabing pelikula. Ipinalabas ito bilang Cannes classic. 

 
"Mabuti nga na nagawa nila itong film na 'to at mapapakita natin sa mga bagong henerasyon para makita nila 'yong mga nangyayari noon," saad ni Koronel.
 
Bukod sa aktres, dumalo rin sa premiere night ang direktor na si Adolfo Alix Jr. para sa kanyang indie film na "Death March." Kasama niyang dumalo sina Sid Lucero at Sam Milby na mga bida sa nasabing pelikula.
 
Maliban dito, pasok din sa Short Film Corner ng prestihiyosing film festival ang pelikula ng Kapuso producer na si Derick Cabrido para sa kanyang idinirektang pelikula na pinamagatang "Mga Enkantong Laog sa Mahabang Dapit-Hapon."
 
Bukod pa rito, pasok din ang pelikulang "Norte" ni Lav Diaz at ang "On The Job" ni Erik Matti. —Mac Macapendeg/KG, GMA News