ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Titser, ang bagong original drama series na aabangan sa GMA News TV
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang matagumpay na original political series na Bayan Ko, isa na namang makabuluhang serye ang dapat abangan sa GMA News TV na tatalakay sa kalagayan ng edukasyon sa bansa at ang pagsasakripisyo ng mga itinuturing pangalawang ina ng mga mag-aaral, ang Titser.
Ang Titser ay pangungunahan ng batikang Kapuso actress na si Lovi Poe, na gaganap bilang si Michelle, isang high school valedictorian mula sa isang mahirap na lugar na ang tanging pangarap ay maging guro.
Kung usapin tungkol sa pulitika ang tinalakay sa Bayan Ko, ang mga problema naman sa edukasyon tulad ng kakulangan ng mga libro, silid-aralan at upuan, katiwalin at iba pa ang magiging paksa ng Titser.
Ang Titser ay mula sa panulat ng may likha ng Bayan Ko na si Nessa Valdellon at sa direksiyon ni Dr. Alvin Yapan, na siyang namumuno sa Filipino Department ng Ateneo de Manila University.
Ang serye ay inspirasyon sa dukomentaryo ni Sandra Aguinaldo sa I-Witness na "Iskul Ko No. 1."
Tungkol ito sa isang award-winning elementary schoolteacher na nagsikap na makamit ang kanyang pangarap na maging guro sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang kasambahay.
Layunin ng GMA News TV na maiparating sa mga manonood ang kalagayan ng edukasyon sa bansa, at makapagbigay ng inspirasyon na maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo ng mga mahihirap na kabataan.
Ang 10-part original drama series na Titser na mapapanood tuwing Linggo ng gabi, 7:15 p.m. na magsisimula sa Agosto 11 sa GMA News TV. - FRJ, GMA News
Tags: lovipoe
More Videos
Most Popular