ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ang mala-Koreanovelang kwento ng pag-ibig ni Louise delos Reyes sa Magpakailanman
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bata pa lamang si Mary Grace Perido o mas kilala bilang si Louise delos Reyes, batid na niya ang kanyang gustong makamit sa buhay -- ang maging isang sikat na artista. At hindi man ito gusto ng kanyang ama, pinili pa rin ng kanyang mga magulang na ipagkaloob ang hiling ng kanilang unica hija. Dahil sa kaniyang angking talento, hindi nagtagal ay nakamit rin niya ang kaniyang inaasam na kasikatan sa showbiz at makilala na bilang si Louise delos Reyes. Bukod sa kaniyang galing sa pag-arte, nakuha rin ni Louise ang loob ng kaniyang mga tagasuporta dahil sa kaniyang masayahing disposisyon sa buhay. Pero lingid sa kaalaman ng kaniyang fans ay may ikinukubli siyang pinagdadaanan sa buhay. Ngayong Sabado sa Magpakailanman, alamin ang mga problemang hinarap ni Louise bago natin siya nakilala bilang Adana, si Elize, at si Marilyn. Mula sa script ni Vienuel Ello, at pananaliksik ni Jonathan Cruz, sa ilalim ng masusing direksyon ni Direk Gil Tejada, Jr., mapapanood ang isang mala-Koreanovelang love story ni Louise sa unang lalaking inibig niya. Malalaman din ang pagmamalasakit ng kanyang mga magulang na magulang na gagawin ang lahat 'wag lang masaktan ang kanilang pinakamamahal na anak. Kasama ni Louise delos Reyes sa pagsasadula ng kaniyang buhay sina Jomari Yllana, Jan Marini, Ken Chan, Yassi Pressman, Rox Montealegre, at ang Down to Mars. Hosted by Mel Tiangco, mapapanood ang Magpakailanman tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko. - GMANetwork.com Tags: louisedelosreyes, magpakailanman
More Videos
Most Popular