advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Louise delos Reyes, gaganap na sirena sa bagong Kapuso show


Matinding training ang pinagdaanan ng Kapuso actress na si Louise delos Reyes para sa kaniyang bagong proyekto sa GMA Network kung saan gaganap siya bilang isang sirena.
 
"Siguro pakita ng kaunting skin ... hindi up to the point na sobrang sexy," pahayag ni Louise sa ulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes.
 
Dagdag pa nito, "Kasi siyempre i-aakma ko pa rin siya sa age ko and may malaking twist yong bago kong show kasi hindi ako isang tao lang."
 
Sumabak ang aktres sa swimming at scuba diving lessons kung saan nalabanan nito ang kaniyang takot sa tubig. Dahil din dito, mas mahusay na siya sa paglangoy.
 

Samantala, kaabang-abang kung sino ang magiging kapareha ni Louise sa palabas. Ang dating ka-loveteam nito na si Alden Richards ay ibibida sa palabas na "Catarina" kasama ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.
 
Gayundin, excited naman si Louise na makasama sa palabas ang mga kilala at magagaling na aktres na sina Nova Villa, Tessie Tomas, at Gladys Reyes. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
LOADING CONTENT