Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera sports new, shorter hair


Nakatawag ng pansin sa mga follower ni Marian Rivera sa social networking sites ang ipinost niyang larawan na nagpapakita ng bago niya hairstyle. Tanong ng ilan, nagpaputol nga ba ng kaniyang buhok ang Kapuso Primetime Queen?   Sa kaniyang Facebook account, nakalagay ang bagong larawan ni Marian na may caption na: "Marian Rivera in Pixie Cut Hair style." "Shoot," ang maigsing mensahe ni Marian sa isa pang larawan. Ang naturang larawan ay umani ng magkakaibang reaksiyon sa kaniyang mga follower sa Facebook, Twitter at Instagram. May mga nagandahan sa maigsi niyang buhok at mayroon din nagsabing mas gusto nila si Marian na mahaba ang buhok. Mayroon ding ilan na nagtanong kung talagang nagpagupit ng maigsi ang leading lady ng primetime series na "Carmela." -- FRJ, GMA News  

Tags: marianrivera
LOADING CONTENT