advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Dennis Trillo leads star-studded cast of 'Felix Manalo' biopic




Pangungunahan ng Kapuso actor at “My Faithful Husband” star na si Dennis Trillo ang pelikulang magsasalaysay ng buhay ni Ka Felix Manalo, ang kinikilalang tagapagtatag at unang Executive Minister ng religious organization na Iglesia ni Cristo.
 
Nagsimula ang shooting para sa naturang biopic nitong Pebrero, at kamakailan lamang nga ay inilabas na rin ang trailer para sa pelikulang pinangunahan ng batikang direktor na si Joel Lamangan at ng Viva Films ng Viva Entertainment Group. 
 
Tampok sa naturang trailer ang star-studded cast ng pelikula, kabilang na sina Lorna Tolentino, Mylene Dizon, Gabby Concepcion, Joel Torre, Heart Evangelista, Ruru Madrid, Bela Padilla, Snooky Serna, Gladys Reyes, Eddie Gutierrez, Elizabeth Oropesa, Tonton Gutierrez, Carla Humphries, Phoemela Baranda, Glydel Mercado, Richard Yap, at marami pang iba.
 
Mapapanood na ang “Felix Manalo” sa darating na October 7. — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News
 
 
 
Tags: dennistrillo
LOADING CONTENT