Filtered By: Showbiz
Showbiz
‘TUNAY NA ROM-COM’

Alden, Maine to make AlDub nation proud in ‘My Bebe Love,’ Vic Sotto says


Kakaibang Maine Mendoza at Alden Richards raw ang mapapanood ng lahat sa upcoming 2015 Metro Manila Film Festival entry na “My Bebe Love” na ipapalabas ngayong Pasko, ayon sa batikang host at aktor na si Vic Sotto sa press conference ng nasabing pelikula nitong Miyerkules.

Nakasanayan man daw ang lahat ang pagpapatawa at pagpapakilig ng dalawa sa Kalyeserye sa pamamagitan ng fan signs at Dubsmash, mas makikita raw ng mga manonood ang romantic side ng AlDub sa unang pelikulang pagsasamahan nila.

Pinuri rin ni Bossing ang pag-arte ni Maine, na halos limang buwan pa lamang ang inilalagi sa makulay na mundo ng showbiz.

“Maine is a natural. Magaling siya. 'Yung napapanood niyo sa Kalyeserye na Dubsmash at pagpapatawa, iba na ngayon. Romantic talaga sila dito. Hindi na siya si Yaya Dub dito, siya si Anna Carrillo,” ayon kay Vic.

Dagdag pa niya, “Ibang Alden at Maine ang makikita niyo rito. AlDub Nation will be proud. Nakakakilig talaga. Lalo na 'yung mangyayari sa ending ng pelikula. Abangan niyo 'yan.”

Nauna nang binati ng ilang mga beteranong aktres na sina Eula Valdes, Ces Quesada, and Boots Anson-Roa ang pag-arte ng Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart bilang bahagi naman ng noontime teleserye na “Princess in the Palace.”

 

 

Bukod pa sa papuri niya sa AlDub, tiwala rin umano si Bossing na magugustuhang mga manonood ang “My Bebe Love,” lalo na ngayong natupad na ang planong pagsamahin silang muli ni Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas sa isang MMFF film matapos ang apat na taon.

“Ito ang tunay na rom-com. Talagang nakakakilig at romantic. At siyempre, nandoon pa rin 'yung mga patawa. Punong-puno rin ng comedy. Confident kami na magugustuhan ninyong lahat ito,” paliwanag ng “Eat Bulaga” host.

Kabilang ang “My Bebe Love” sa mga pelikulang kalahok sa 2015 Metro Manila Film Festival, at ipapalabas ito sa mga sinehan sa buong Pilipinas mula December 25.

 


—NB, GMA News