Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

DongYan first wedding anniversary


Ginunita ni Marian Rivera-Dantes ang unang anibersaryo ng kasal nila ng asawang si Dingdong Dantes sa isang larawan sa kanyang Instagrgam account.

 

 

"Ang sarap alalahanin ang araw na ito kung saan sa harap ng Panginoon, ikaw ay aking pinangakuang mahalin, aalagan, at pagsilbihan hangga't ako'y nabubuhay- sa hirap at ginhawa. Isang biyaya ng pagmamahalan na habambuhay kong ipagpapasalamat. Happy Anniversary Mahal ko. ?? I Love You! #DongYan," sabi ni Marian sa kanyang post.

Naunang mag-post si Dingdong ng mga larawan ni Marian sa kanyang Instagram account, kung saan inilagay niya ang lyrics ng Mestizang Caviteña na komposisyong niya at ni Janno Gibbs.

 

 

I spent the special day with these two lovely girls in our favorite Tagaytay hangout.

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

 

Ang ikalawang larawan ay kasama ni Marian ang anak nilang si Maria Letizia Dantes.
Sila Dingdong at Marian, ang tinaguriang Primetime King and Queen, ay ikinasal noong isang taon sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City. — Bernadette Parco/DVM, GMA News