Filtered By: Showbiz
Showbiz

Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo celebrate Luna’s 1st ‘monthsary’


Matapos ipanganak ang kanilang bunsong anak na si Juana Luisa o Luna noong January 8, ipinagdiriwang ngayon ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang tinawag nilang “first monthsary” nito, kasama ang dalawa pa nilang anak na sina Yohann at Lucho.

Magiliw na binati ng mag-asawa ang kanilang “LunnieBunny” sa pamamagitan ng social media.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Juday, “Time flies so fast!!! 9 months ago i couldn't wait to see and hold you.. All of a sudden 1 month ka na! We love you our little lunniebunny!”

“Happy 1st monthsary LunnieBunny!!! #goodvibes” ayon naman sa proud dad na si Ryan.

 

Nag-post rin ang “Eat Bulaga!” host ng kanilang unang family picture mula nang isilang si Luna noong nakaraang buwan.

 

 

Good morning from the Agoncillo family!

Posted by Eat Bulaga on Sunday, February 7, 2016

 

— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News