Solenn Heussaff to hold first art exhibit this year
Bukod sa pagbida sa ilang Kapuso shows at sa mga pelikulang gaya ng “Love Is Blind” at “Lakbay2 Love,” abala rin ang Kapuso host-actress at “Taste Buddies” host na si Solenn Heussaff bilang isang painter.
Noon pa man ay nagbabahagi na ang aktres ng ilan sa kaniyang mga obra sa social media, na tinatawag niyang “Solenn Art,” at ngayong taon nga ay magaganap na ang kaniyang kauna-unahang art exhibit.
Ayon kay Solenn, dalawang taon ang hinintay niya upang ma-organisa ang naturang art exhibit.
“After almost 2 years in the making, my exhibit will dinally happen this year. I cant wait. #PeopleOfTheWorld #SolennArt,” aniya.
A photo posted by @solennheussaff on
Hindi pa man nagbibigay ng tiyak na petsa at lugar para sa kaniyang art exhibit, ipinasilip na ni Solenn ang ilan sa kaniyang mga obra na magigin tampok dito.
Abala ngayon si Soleen sa kaniyang mga show sa Europe para sa selebrasyon ng Kapuso Month mula sa GMA Pinoy TV.
Kabilang sa mga pupuntahan ng Kapuso host-actress ang London sa February 12, Rome sa February 13, Paris sa February 14, at Copenhagen sa February 16. — RSJ, GMA News