Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Camille Prats shows off new home with fiancé


Masayang ipinasilip ng Kapuso host-actress na si Camille Prats ang bagong bahay na ipinapagawa nila ng kaniyang fiancé at US-based businessman na si VJ Yambao.

Matatandaang na-engage sina Camille at VJ noong Hulyo ng nakaraang taon, sa harap ng kanilang pamilya at mga kaibigan. 

Nakatakdang maganap ang kanilang kasal sa susunod na taon.

 

 

?????????? @vjyambao1

A photo posted by Camille Prats (@camilleprats) on

 

 

Kuwento ni Camille sa mga naunang pahayag, dagdag sa kaniyang excitement sa nalalapit na kasal ang kaligayahan niyang malaman na approved sa kaniyang anak ang relasyon nila ni VJ.

Si Nathan ay anak ni Camille sa una nitong asawa na si Anthony Linsangan, na sumakabilang-buhay noong 2011 dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer. 

Matapos ang kanilang kasal, nais raw ipagpatuloy ng Kapuso actress ang kaniyang showbiz career, at balak rin daw nilang mag-asawa na manirahan dito sa Pilipinas.

Aniya, “Ako honestly, this (being in showbiz) is something that I really love to do kasi kung hindi naman siguro, wala na siguro ako dito ngayon. But the thing is, I’m happy na nandito pa rin ako at gusto pa rin ako ng showbiz. Kasi kailangan both ways ‘yun eh.  'Yun talaga mahihirapan ako i-give up."

“But more than that, mas pangarap ko siguro maging nanay tsaka asawa. I want a big family, I want more kids. But of course, I still want to work. Alam naman ni VJ ‘yun and he supports me in that,” pagtatapos ng Kapuso actress.  — RSJ, GMA News

 
Tags: camilleprats
LOADING CONTENT