advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine Velasquez shares sweet moment with son Nate


Ilang araw lamang matapos ipagdiwang ng “Poor Señorita” at Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang kaniyang kaarawan nitong nakaraang linggo, at kahit na abala siya sa pinagbibidahang GMA Primetime series, naglaan pa rin siya ng oras upang makasama ang asawa at singer-songwriter na si Ogie Alcasid at ang kanilang unico hijo na si Nate.

Kamakailan lamang, ibinahagi pa ng Kapuso singer-actress ang sweet moment nila ng kaniyang anak nang umuwi siya galing sa trabaho.

“So I came home last night tired and hungry. Nate was still awake, pagdating ko he was so happy to see me and started making kwento I was in a hurry to clean up so I can eat and cuddle with him and dad. Sa pagmamadali kong makaligo para makakain, parang hindi ko sya masyadong napansin. (Ayoko kasing mag-lambing sa kanya na laputan pa akey.),” kuwento niya.

Pagpapatuloy niya, “So while eating, he handed me the remote. He knows I like watching TV while eating. He asked me if we can watch Disney Chanel. While eating and watching TV, he said to me, 'Mom, I love watching Disney Chanel,' then he mentioned the shows. Then he said, 'I love it mommy coz it reminds me of you then I miss you.' Then he hugged and kissed me. Nung hindi pa kasi masyadong busy si mom we always watch Disney together. Parang natunaw talaga ako he is just so sweet”

Magli-limang taong gulang na si Nate ngayong 2016.

 

 

So I came home last night tired and hungry. Nate was still awake, pagdating ko he was so happy to see me and started making kwento ???? I was in a hurry to clean up so I can eat and cuddle with him and dad.Sa pagmamadali ko maka ligo para makakain parang hindi ko sya masyadong napansin. (Ayoko kasing mag lambing sakanya na laputan pa akey.) So while eating he handed me the remote, he knows I like watching TV while eating. He asked me if we can watch Disney Chanel. While eating and watching TV he said to me, mom I love watching Disney Chanel I love,then he mentioned the shows. Then he said I love it mommy coz it reminds me of you then I miss you. ???? Then he hugged and kissed me. Nung hindi pa kasi masyadong busy si mom we always watch Disney together. Parang natunaw talaga ako he is just so sweet.???????????? Sa totoo lang I'm enjoying my work naman, kasi ang ganda ng show namin. But I'm having such a hard time coming to work kasi iniiwan ko si Nate. Mahirap talaga to be a working mom. Pero sa bawat pagod na nararamdaman ko nawawala lahat pag nakita ko na sya and always so happy to see me. Hay I love being a mom ???? #kuwentongnanay #themostfulfillingcareer #ToalltheWorkingMOMS #WELOVEYOU God bless

A photo posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

Marami ang naantig sa “Kuwentong Nanay” na ito ni Regine, at nakatanggap na nga ang kaniyang Instagram post ng halos 5,000 likes sa loob lamang ng isang araw.

“Sa totoo lang I'm enjoying my work naman, kasi ang ganda ng show namin. But I'm having such a hard time coming to work kasi iniiwan ko si Nate. Mahirap talaga to be a working mom. Pero sa bawat pagod na nararamdaman ko, nawawala lahat kapag nakita ko na siya and always so happy to see me. Hay I love being a mom ???? #kuwentongnanay #themostfulfillingcareer #ToalltheWorkingMOMS,” pagtatapos ng Asia's Songbird.

Kasalukuyang bumibida si Regine sa GMA Primetime series na “Poor Señorita” kasama sina Mikael Daez, Snooky Serna, Valeen Montenegro, Ayra Mariano,  Jillian Ward, Miggs Cuaderno, Zymic Jaranilla, Caprice Cayetano, at marami pang iba. — RSJ, GMA News

LOADING CONTENT