Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Michael V. pays tribute to ‘The Jungle Book’ in first watercolor masterpiece


Labis na nagustuhan ng Kapuso actor at comedian na si Michael V. ang American fantasy adventure film na 'The Jungle Book,' kaya naman ito ang napili niyang paksa ng kaniyang pinakabagong artwork.

Ayon sa "Bubble Gang" star, ito ang kaniyang kauna-unahang ballpoint pen-watercolor masterpiece, na ginawa niya habang nagbabakasyon sa California kasama ang kaniyang pamilya.

"Just can't get enough of #TheJungleBook!" aniya.

 

 

A photo posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on

 

Sa kaniyang naunang artwork, iginuhit naman ng Kapuso artist ang bida ng pelikula na si Neel Sethi, na gumanap bilang Mowgli.

 

Bukod sa pagiging magaling na komedyante at manunulat, nakikilala na rin ngayong si Bitoy sa social media dahil sa kaniyang galing sa pagguhit.

Kabilang sa mga naging paksa ng kaniyang artworks sina Pope Francis, Bob Marley, David Bowie, at marami pang iba. 

Makikita ang mga guhit ni Bitoy sa kaniyang Instagram account na @michaelbitoy. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News

LOADING CONTENT