Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Heart Evangelista shares peek of new home


Matapos siyang maging abala sa kampanya para sa kaniyang asawa at vice presidential candidate na si Chiz Escudero, nakatutok naman ngayon ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa pagpapatayo ng kaniyang bagong bahay.

Nitong Miyerkules, ipinasilip ni Heart ang kasalukuyang hitsura nito, at sinabing “All my hard work... #home”

 

 

All my hard work...?? #home

A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

 

Sa naunang panayam, sinabi ng Kapuso artist na nais nang magkaroon sila ng anak ni Chiz matapos maitayo ang kanilang bagong bahay.

“Gusto kong tapusin 'yung bahay ko para, siyempre, everything is in place bago ako magkaroon ng baby. Para maayos ko 'yung kuwarto niya ganyan. I want to plan everything kasi,” aniya sa naunang panayam.

Abala ngayon si Heart sa paghahanda para sa upcoming GMA Primetime series na  “Juan Happy Love Story,” na mapapanood na sa darating na May 16.

Makakasama niya rito sina Dennis Trillo, Gloria Romero, Lotlot de Leon, Gardo Versoza, Dominic Roco, Leeian Bautista, Erika Padilla, Kim Domingo, at marami pang iba. — RSJ, GMA News

LOADING CONTENT