advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lang Leav, pinuri ang kantang sinulat ni Maine para sa ‘Imagine You and Me’


Umani ng papuri mula sa kaniyang mga tagahanga si Maine Mendoza dahil sa nakakakilig na kantang isinulat niya para sa pelikulang "Imagine You and Me", na pagbibidahan niya kasama ang onscreen partner na si Alden Richards.

Inawit ni Maine sa unang pagkakataon ang sinulat niyang kanta na nilapatan ni Bossing Vic Sotto ng musika noong Huwebes sa "Eat Bulaga!".

Nitong Sabado, pati ang manunulat na si Lang Leav, nagpabatid rin ng paghanga kay Maine. Nagustuhan ng best-selling author ang lyrics ni Maine at parang anghel daw kung kumanta ang Kalyeserte Sweetheart.

Mabilis namang pinasalamatan ni Maine si Lang.

Unang nag-usap ang dalawa sa social media noong Valentine's Day nang sumulat si Lang ng tula para kay Maine at Alden.

Binati rin ni Lang at ng kapwa poet na si Michael Faudet si Maine ng magdiwang ito ng kaniyang ika-21 na kaarawan. — AT, GMA News

LOADING CONTENT