Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Heart Evangelista shows sneak peek of new house


Hands-on ang Kapuso actress at "Juan Happy Love Story" star na si Heart Evangelista sa pagpapagawa ng kaniyang bagong bahay.

Nitong Martes, ipinasilip na ng aktres ang isang bahagi ng magiging tahanan niya at ng pamilya nila ng asawang si Sen. Chiz Escudero.

Aniya, "Welcome to the balcony of my walk-in closet! A little teaser of my future home I've worked so hard for. Praise you Papa Jesus for everything!

Nakatakdang matapos ang bagong bahay na ipinagagawa ni Heart ngayong taon, kasabay ng ika-18 taon niya sa showbiz.

 

Gabi-gabing bumibida si Heart sa GMA Primetime romantic comedy series na "Juan Happy Love Story," kasama sina Dennis Trillo, Kim Domingo, Gardo Verzoza, Lotlot de Leon, Erika Padilla, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News

LOADING CONTENT