Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Comedy Concert Queen’ AiAi Delas Alas once a saleslady, secretary


Bago pa siya makilala bilang isa sa pinakamagaling ng aktres at komedyante sa industriya, at bumida sa kabi-kabilang pelikula at mga programa, hindi itinatanggi ng Comedy Concert Queen at “Sunday Pinasaya” star na si AiAi Delas Alas na dumaan rin siya sa ilang pagsubok at paghihirap sa buhay.

Sa panayam ng GMA News Online kay AiAi nitong Miyerkules, ibinahagi ng Kapuso host-actress ang ilan sa mga naging trabaho niya bago siya makapasok sa showbiz.

“Naging saleslady ako sa Cinderella sa Makati... Okay naman. Nag-end 'yung contract ko ng six months. After the contract, hindi na ako bumalik kasi may asthma ako dati. Nalipat ako sa telahan noon, so lalo akong in-asthma,” kuwento niya.

Isa umano sa mga naging customer niya noon ang kilalang entertainment columnist at anak ni Inday Badiday na si Dolly Anne Carvajal.

Pagbabalik-tanaw ni AiAi, “Si Dolly Anne, pumunta doon dati. Bumuli ng medyas pambata. Sa children's socks muna ako bago sa telahan.”

Bukod pa riyan, nag-training rin daw siya sa Department of Foreign Affairs at naging sekretarya rin sa Bulwagang Gantimpala.

 

 

Soon yehey ????????????.. Salamat LORD sa blessings --- #aisingrepublic

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

 

Makalipas ang ilang taon, matapos siyang bumida sa ilang blockbuster films at mga hit teleserye, tinitingala na siya bilang isa sa mga batikang aktres at komedyante sa industriya.

Bukod sa “Sunday Pinasaya,” bida rin si AiAi sa weekly Philippine television sitcom na “Hay Bahay!” kasama sina Bossing Vic Sotto, Oyo Boy Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, Kristine Hermosa, at marami pang iba. — RSJ, GMA News

LOADING CONTENT