Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Baby Zia visits ‘Sunday Pinasaya’ rehearsals


Kasama ng Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang unica hija na si Maria Letizia nitong nakaraang linggo habang nag-eensayo sila para sa Kapuso comedy variety show na “Sunday Pinasaya.”

Hindi napigilan ng ilang cast members ng nasabing programa na maaliw sa cute na cute na si Baby Zia, kaya naman kahit hindi siya bida sa alinmang segment ng “Sunday Pinasaya,” bida naman siya sa ilang photo at video opportunities kasama ang kaniyang mga showbiz tito at tita.

 

 

Dantes ???? !:) With Me and Gab

A photo posted by Ruru Madrid (@rurumadrid8) on

 

 

 

Cuteness overload ???????????? #BabyZia

A video posted by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on

 

 

 

Zia: Anong kalokohan 'to tito Je? ???????????????????? #babyzia #ZiaDantes #marialetizia

A photo posted by Jerald Napoles (@iamjnapoles) on

 

Aliw na aliw rin kay Baby Zia ang Comedy Concert Queen at kaniyang ninang na si AiAi Delas Alas, na talaga naman nakipag-bonding sa kaniyang inaanak sa likod ng camera.

 

 

Ngayong Setyembre, nakatakdang lumipad papuntang America sina Dingdong at Marian para sa ilang shows, at inaasahang ito na nga ang first trip abroad nila kasama si Baby Zia.

Sa ngayon, habang abala si Marian sa “Sunday Pinasaya,” abala naman ang kaniyang asawa sa pinakabagong GMA Primetime series na “Alyas Robin Hood,” na ipapalabas na sa darating na Lunes, September 19. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News