Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lotlot de Leon recognized at All Lights India International Film Festival 2016


Iginawad sa batikang aktres at “Juan Happy Love Story” star na si Lotlot de Leon ang Special Acting Citation award sa naganap na All Lights India International Film Festival (ALIIFF) 2016 sa Hyderabad, India para sa kaniyang pagganap sa pelikulang “1st Term,” na pinangunahan ng first-time directors na sina Dexter Hemedez at Allan Ibañez.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, tanging ang Pinay actress lamang ang tumanggap ng naturang pagkilala mula sa nasabing international film festival. 

Bukod sa aktres, tumanggap rin ng parangal ang mga direktor ng pelikula, na nag-uwi ng International Competition For Feature Films for Debut Directors award.

“Isang malaking karangalan po ang iuuwi namin para sa inyo at sa aming mga pamilya! Really proud of my #1stSem Family!” ayon kay Lotlot sa isang Instagram post.

Dagdag pa niya, “To my directors, Direk Dex and Direk Allan... CONGRATULATIONS for winning the International Competition for Feature Films for Debut Directors! (Salamat rin) sa iginawad po sa akin na special acting citation! To God be the glory!”

 
 
 

 

Kinilala rin sa  All Lights India International Film Festival (ALIIFF) 2016 ang pelikulang “Laut,” na pinagbidahan ng Kapuso actress na si Barbie Forteza at pinangunahan ng batikang direktor na si Louie Ignacio.

Tinangaap ng nasabing pelikula ang Honorable Mention citation sa kategoryang International Competition for Feature Films. — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News

Tags: lotlotdeleon
LOADING CONTENT