Filtered By: Showbiz
Showbiz

Baby Zia gets her first special award

 


Isang patunay na sumusunod siya sa yapak ng kaniyang mga magulang na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes pagdating sa kasikatan, iginawad kay Maria Letizia ang PushAwesome Popular Celebrity Baby award sa naganap na Push Awards 2016 ngayong linggo.

Kabilang sa mga nominado sa nasabing kategorya sina Lucia Intal, anak nina Bianca Gonzales at JC Intal; Scarlet Snow Belo, anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho; Olivia Manzano-Reyes, anak nina Andi Manzano at GP Reyep; at Amarah Khatibi, anak nina Cristine Reyes at Ali Khatibi.

Iginagawad ang special PushAwesome awards sa mga natatanging personalidad sa industriya na talaga namang pinag-uusapan ng publiko.

Hindi maikakailang saan man pumunta si Baby Zia ay marami siyang napapasayang tao, tulad na lamang ng mga kaibigan at katrabaho ng Kapuso Primetime King and Queen.

Ayon nga kay Roxanne Barcelo, “Baby Zia is such an active and happy baby! Super attentive ng inaanak ko when we were at the children's party earlier... She didn't cry at all and was interacting with other babies and even adults.She loved seeing balloons and toys around her... Super proud Ninang ako."

Proud mom naman si Marian, na hands-on sa pag-aalaga sa kanilang panganay na anak.

Sa ngayon, kasa-kasama siya ni Baby Zia sa playschool.

“Sa school niya, friendly siya. Kung may award na Miss Friendship, nakuha na niya. Ma-touch siya, nakikipaglaro. Nakikipagkulitan talaga,” kuwento ng Kapuso Primetime Queen.

Dagdag pa niya, “Kung makikita niyo sa mga posts ko, mahilig siyang tumawa. At saka bibo. Kapag sinabi mong 'dance, dance, dance,' sasayaw talaga siya.”

 

— Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News

Tags: babyzia