advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sunshine Dizon, ‘nagmahal, nasaktan, naging palaban!’


Kitang-kita ngayon ang pagiging blooming ng Kapuso actress at “Encantadia” star na si Sunshine Dizon.

Ito ay sa kabila ng masalimuot na pinagdaanan niya kaugnay ng paghihiwalay nila ng kaniyang asawang si Timothy Tan.

 

 

Sa panayam ng “Sarap Diva” nitong nakaraang linggo, simple lang raw ang naging sikreto ng aktres sa pagmo-move on.

“Kailangan lang tanggalin ang negative sa buhay at i-refocus ang life,” aniya.

Dagdag pa ni Sunshine, ikinagagalak niyang naging inspirasyon siya sa mga kababaihang dumaan rin sa iba't ibang klase ng pagsubok.

Ayon sa aktres, “It's a little unfortunate, pero sabi ko nga, hindi naman atin kailangan mag-dwell sa bad. If my story serves as an inspiration to them, then let it be. Inspite of the ugly story, we can all change that. We have the power to change that and empower all women out there to stand for their rights.”

“Isipin mo na lang na naging blessing ka sa ibang tao. Kailangan maging instrument ka para bumuka 'yung mata ng ibang tao, magkalakas sila ng loob na magsalita at lumaban,” sabi naman ng kaniyang kaibigan at kapwa-aktres na si Sherilyn Reyes.

Nitong mga nakaraang buwan, naging bahagi si Sunshine ng “Don't get mad. Get beautiful' campaign ng Belo Medical Group.

Sa kabila ng mensahe ng nasabing kampanya, itinanggi ng aktres na isa itong uri ng paghihiganti sa kaniyang asawa.

Aniya, "Just empower all the women out there. Hindi nila kailangang magmukmok o umiyak. They can do something to better themselves and really push through. Dra. Vicki really wants to empower all women out there, and not only women who are going through what I’m going through. The slogan is for everybody.”

"I don’t want to call it revenge kasi I’m not doing this for them. I’m doing this for myself,” pagtatapos ng aktres. — RSJ, GMA News

LOADING CONTENT