ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kristoffer Martin, Joyce Ching take on more mature roles in ‘Hahamakin ang Lahat’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Balik-tambalan ang Kapuso stars na sina Joyce Ching at Kristoffer Martin sa pinakabagong GMA Afternoon Prime series na “Hahamakin ang Lahat,” kung saan tatalakayin ang iba't ibang pagsubok ng relasyong Filipino-Chinese.

Kaiba sa mga unang projects na kanilang ginawa, mas mature na raw ang mga karakter na kanilang bibigyang-buhay sa teleseryeng ito.

“Twenty-one years old na kami parehas, pero ang tingin sa akin ng mga tao ay bata pa rin. It's time na umalis na kami sa tween, teeny bopper image at mag-mature and mag-level up,” ayon kay Joyce sa naganap na press conference nitong Martes.

Dagdag pa niya, “Mas may depth 'yung characters na gagampanan namin ngayon. Usually kasi, 'yung teeny bopper shows na ginawa namin before, mas catered sa teenagers and students—kung ano ang pinagdadaanan nila. Ngayon, since mas matanda na ang characters namin, mas complex na 'yung problems.”

Aminado ang dalawa na nakakaramdam sila ng kaba, ngunit mas excited raw sila sa panibagong hamon ng project na ito, kung saan makakasama nila ang ilan sa mga beteranong aktor tulad nina Ariel Rivera, Snooky Serna, Eula Valdez, at Chinggoy Alonzo.

Mas malalim raw ang mga emosyon na kinakailangan nilang ipakita sa bawat eksena, kaya naman malaking tulong na malapit silang magkaibigan maging sa likod ng camera.

Pahayag ng Kapuso actress sa panayam ng GMA News Online, “Medyo kinakabahan rin kasi ang mga tao, kapag naririnig ang Joyce Ching at Kristoffer Martin, automatic na tween ang pumapasok sa isip nila. Kailangan naming mag-double effort dito para makita nila kami as mature.”

“Nilu-look forward ko 'yung magiging growth ko as an actor kasi nga 'yung gagampanan ko is different from what I usually do. Plus, first time kong makaka-trabaho sina Miss Eula, Miss Snooky sa isang teleserye, pati si Sir Chinggoy. Excited ako sa matututuhan ko sa co-actors ko,” aniya pa.

Ayon naman kay Kristoffer, "Mature roles this time, in a way na mas challenging siya, hindi lang sa pagpapakita ng flesh, but as actors din... Kami ni Joyce, napagdaanan namin ang pa-sweet, pa-sweetums. We grew together, and we continue to grow together."

 

A photo posted by GMA Drama (@gmadrama) on

 

Masaya man ang dalawa sa muli nilang pagsasama sa isang teleserye, marami ang nagtatanong kung hindi ba sila nagkakailangan lalo na't dati silang magka-relasyon.

Sagot ng dalawa, malaking tulong pa nga sa kanilang pagganap ang kanilang matibay na samahan.

Paliwanag ni Kristoffer, “Good thing na si Joyce ang ka-partner ko dito. Kung ibang tao, mahihirapan akong mag-adjust. Nagka-trabaho na kami for more or less six years, kaya alam na namin ang strengths at weaknesses ng isa't isa. Maganda ang samahan namin kasi naba-balanse namin ang isa't isa. Wala nang hirap sa ganoong part.”

Sa naunang pahayag, sinabi pa ng KrisJoy na natutuwa sila sa naging bansag sa kanila na “ex-goals.”

“Sobrang ex-goals... Parang dream kasi minsan ng mga ibang mag-e-ex na, 'Bakit ['yung iba] friends pa rin sila or close pa rin sila or comfortable pa rin sa isa't isa?' So, kami, kami yun, yung sobrang comfortable, sobrang friends,” ayon kay Joyce.

 

A photo posted by Joyce Ching (@joeysching) on

 

Kasama ng KrisJoy sa “Hahamakin ang Lahat” sina Eula Valdez, Ariel Rivera, Snooky Serna, Thea Tolentino, Chinggoy Alonzo, Jett Pangan, Marc Abaya, Renz Valerio, Bruno Gabriel, Marina Benipayo, Mona Louise Rey, at mrami pang iba.

Mapapanood na ang pinakabagong GMA Afternoon Prime series simula sa darting na Lunes, October 31. —Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News