Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ivan Dorschner is now a Kapuso!


Opisyal nang naging Kapuso ang kilalang Filipino-American host-actor na si Ivan Dorschner nitong Lunes, kasabay ng pagpirma niya ng kontrata bilang isa sa mga pinakabagong talent ng GMA Artist Center.

Matatandaang unang nakilala ng publiko ang aktor nang sumali siya sa isang reality TV show, at matapos ang ilang taong pahinga, magbabalik muli si Ivan sa harap ng camera.

Aniya sa panayam ng GMA News, “It's so warm here. It's so nice to finally be working again. It's nice to have a team and meet everyone behind the scenes here. It's really nice.”

 

 

Kabilang si Ivan sa apat na leading men na bibida sa “Meant To Be,” ang Kapuso romantic comedy Primetime series na mapapanood simula sa susunod na taon.

Leading lady sa nasabing programa ang award-winning actress at isa sa mga itinuturing na prinsesa ng GMA Network na si Barbie Forteza.

“I'm excited na kasi they are believing in me. I'm here to work and I'm here to do my best. Kung hindi best, best na best pa!” pahayag ni Ivan.

Nagkasama na noon sina Barbie at Ivan sa isang episode ng Kapuso drama anthology na “Maynila,” ngunit kakaibang Barbie raw ang nakita ng aktor nang magkita sila muli sa audition at screen tests para sa pagbibidahang teleserye.

Kuwento niya, “Nakatrabaho ko na siya dati sa 'Maynila.' Nakita ko na ang pag-arte niya dati. Noong screen test namin, sabi ko, 'Wow! She got really good. Really good.' Mas lalo akong na-excite kasi sobrang galing na niya. Nakakabilib.”

 

 

Masayang-masaya si Ivan na muli siyang makakapaghatid ng saya sa mga manonood sa pamamagitan ng pag-arte sa harap ng camera.

Para sa kaniya, ito ang isa sa mga paraan upang maibalik ang pagmamahal at suportang ibinibigay sa kaniyang fans sa loob ng ilang taon.

Mensahe niya sa mga manonood, “I'm very happy to be able to share my talents with you sa mga gagawin naming show. It would be nice to be able to give back. It's very exciting. 

“You have people na nakaabang and you have something that they want to see. To be a provider of that, it's nice. It's exciting. You want to keep doing it and you want to keep surprising them. You want to be the source of their happiness, enjoyment, and fulfillment,” pagtatapos ni Ivan.

Abangan sina Ivan at Barbie sa Kapuso Primetime series na  “Meant To Be,” kung saan bibida rin sina Jak Roberto, Ken Chan, Addy Raj, at marami pang iba. — RSJ, GMA News

LOADING CONTENT