Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards wins in 3 categories at 29th Awit Awards


Maagang pamasko ang natanggap ng Pambansang Bae na si Alden Richards mula sa 29th Awit Awards nitong ika-7 ng Disyembre sa Music Museum. 

Hinirang si Alden na Most Downloaded Artist of 2015 at Most Downloaded Song of 2015 ang kaniyang kantang "Wish I May."

Nakuha rin ni Alden ang Best Selling Album of the Year para sa "Wish I May", na umabot sa 8x Platinum nitong Setyembre. 

Ayon sa aktor mula sa isang report ng Balitanghali nitong Huwebes, "very happy" siya sa mga karangalang natanggap. 

Bilang regalo sa mga tagahanga, naghahanda naman ngayon si Alden para sa music video ng kaniyang bagong single na "Your Guardian Angel." —Aya Tantiangco/KG, GMA News

LOADING CONTENT