advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mikael Daez, Megan Young reveal why they kept relationship 'low-key' for 6 years


Bukas na sa publiko ang Kapuso stars na sina Megan Young at Mikael Daez tungkol sa kanilang relasyon mula nang aminin ng aktor at “Legally Blind” star kamakailan lamang na anim na taon na silang magkasintahan.

Anila, napagdesisyonan nila noon na gawing pribado ang kanilang pagsasama dahil sa kanilang iba't ibang work commitments.

Paliwanag ni Megan sa “Tonight with Arnold Clavio” nitong Miyerkules, “The reason why medyo lie low kami with our relationship before, kasi may obligations kami. Si Mikael, 'yung love team niya. Ako naman, 'yung Miss World. Gusto ko na medyo quiet lang pagdating sa relationship.”

Matatandaang kapareha pa noon ni Mikael ang Kapuso actress at “Alyas Robin Hood” star na si Andrea Torres, habang abala naman si Megan sa kaniyang mga responsibilidad bilang Miss World 2013 titleholder.

Habang tumatagal, nasanay na raw ang dalawa na hindi na sinasabi sa marami ang kanilang relasyon, lalo na't hindi naman ito lingid sa kaalaman ng kani-kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan sa loob man o labas ng showbiz.

Sa katunayan nga, hindi raw planado ng dalawa ang ginawang pag-amin ni Mikael sa isang press conference ngayong taon.

“Nasanay na lang kami na hindi umaamin. Lahat naman ng friends namin, lahat ng workmates namin, alam na nila. Ang nangyari doon sa presscon kung saan ako nag-announce, tinanong nila ako, and naisip ko, 'Ay, hindi ko pa nga pala naaamin.' And I thought, ' Sige, aaminin ko na ngayon,'” kuwento ni Mikael.

Dagdag pa niya, “Walang plano. Then I just texted her, 'You know what? I'm going to fill up your Twitter timeline. Maghanda ka bukas.'”

 

 

A post shared by Megan Young (@meganbata) on

 

Nagpapasalamat ang dalawa dahil puro positibong mensahe ang nakuha nila mula sa kanilang mga tagahanga.

“Medyo nagulat ako (na sinabi na niya), but we received all positive feedback. Nakakatawa rin kasi may mga nagsasabing, 'Girl, alam na namin. Matagal na. Bakit sinabi niyo pa?'” ayon kay Megan.

Pabirong pagtatapos ni Mikael, “Hindi ko na kailangang isipin kung ano ang ipo-post ko!"

DID YOU KNOW: Megan Young first met Mikael Daez while he was hiding in a closet

READ: Find out why Mikael Daez, Megan Young call each other ‘Bonez’

—Bianca Rose Dabu/KG, GMA News

LOADING CONTENT