ADVERTISEMENT

Showbiz

LOOK

Pia Guanio shows off baby bump in family vacation photos

Sandaling nagpahinga mula sa kaniyang showbiz commitments ang Kapuso host-actress at “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Pia Guanio upang mag-bakasyon kasama ang kaniyang asawang si Steeve Mago at ang kanilang anak na si Scarlet Jenine.

Nagtungo ang pamilya sa isang beach sa Amanpulo, Palawan, kung saan proud na ipinasilip ni Pia ang kaniyang baby bump.

Matatandaang ibinahagi ng host-actress ang masayang balita ng kaniyang pagbubuntis nitong nakaraang buwan

, halos limang taon matapos ipanganak si Scarlet, ang panganay na anak nila ni Steeve. 

Paglalarawan ng proud husband sa kaniyang asawa, “Hot pregger wife!”

 

ADVERTISEMENT

 

Ayon kay Pia, dalawang buwan na lamang ang hinihintay nilang mag-anak upang makasama na ang pinakabatang miyembro ng kanilang pamilya.

 

 

Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News