advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Rufa Mae Quinto shows off post-pregnancy body, shares experience with postpartum depression


Higit sa isang buwan matapos isilang ang anak niyang si Alexandria, ipinasilip ng proud first-time mom at batikang komedyante na si Rufa Mae Quinto ang kaniyang post-pregnancy body.

Aniya, 40 lbs. na ang nawala sa kaniya mula nang ipanganak ang first baby nila ng kaniyang asawang si Trevor Magallanes, na pinakasalan niya noong November 2016.

“Okay, para maging confident ako again, I tried to do a selfie. Yes, I lost 40 lbs in a month... 187 lbs po ako, 147 lbs na lang! Wow, amazing! Kapag ganito ang lagay, forget na ang emote at postpartum. Mag-ready na ako sa beach this summer 2017!” aniya.

Proud niya ring ipinakita ang kaniyang "linea negra," na malaking bahagi ng pagbubuntis at panganganak ng maraming kababaihan.

Ayon sa aktres, “May linea negra pa ako sa tummy ko. I wonder when mawawala yang lanugo or dark spot ko sa tummy! Sana soon. By the way, my neck, armpit, singit pala, namuti na din na parang libag lang na na tanggal everytime I shower! So yes, laban!”

 

 

Sa kabila ng mga positibo niyang post sa social media, aminado si Rufa Mae na hindi naging madali ang mga sumunod na araw matapos siyang manganak.

Tulad ng maraming ina, dumanas rin daw siya ng postpartum depression, at patuloy umano siyang lumalaban dito.

“Part ng postpartum ko, hindi ko ma-explain but I can't stand to be out. Parang I wanna scream tapos nabibingi ako. Gusto kong umuwi agad sa bahay. Pero slowly fighting it over. Nasanay ako na buntis... tapos ngayon, I'm alone—back to myself again,” aniya.

Nagpapakatatag raw ang komedyante upang mas matutukan pa ang pag-aalaga sa kaniyang anak at asawa.

Ayon sa aktres, “(I am) slowly regaining all my hormones and confidence para sa anak ko. I want her to see me okay, so I can take care of her. ”

 

 

Sa kakaiyak ko halos araw -araw, nag hubad and posing nalang ako, na tulala sa shocked na i have a child, (postpartum) Meron ako war shock pag NASA Labas. Part ng post partum ko, di ko MA explain I can't stand to be out , parang I wanna scream tapos, nabibingi ako gusto ko umuwi agad sa bahay, Pero slowly fighting it over. Nasanay ako na buntis, still adjusting , tapos ngayon I'm alone back to myself again, slowly regaining all my hormones and confidence para sa anak ko, I want her to see me ok, so I can take care of her. Matagal Tagal ko din di magawa mag selfie video dito na ako Lang mag-isa , na Wala na tummy, baby @alexandriamagallanes , Pasensya na guys, linea nigra yang line black in my tummy, after 1 month of giving birth , ang confidence push pa more... life's and body's been kind ???????? medyo di na ako sanay mag pose and emote sa camera , Kaya sensya na medyo magulo ako mag selfie haha???? #lineanigra

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto) on

 

[READ: '#BREASTFRIENDS': Rufa Mae Quinto thanks Mariel Padilla for giving milk to Baby Alexandria

— RSJ, GMA News

LOADING CONTENT