advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Paolo Ballesteros gets ‘sweet surprise’ in Los Angeles ahead of concert


Kasama ang “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Paolo Ballesteros sa mga dumating sa America ngayong araw upang maghanda para sa nalalapit an “K.S. sa U.S.” concert, kung saan bida rin sina Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, at Wally Bayola.

Bago pa man ang pagbibidahang concert, isang espesyal na sorpresa agad ang sumalubong kay Paolo sa Los Angeles—ang kaniyang anak na si Keira Claire, na nakabase na sa America mula noong 2015.

 

My sweet surprise! ????????#keiraClaire

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

 

Nakatakdang magtanghal sina Alden, Maine, Jose, Wally, at Paolo sa itinuturing na kauna-unahang AlDub concert sa America ngayong April 9 sa Pasadena Civic Auditorium, at sa April 12 sa Kings Theater sa New York.

 

Goodnight LA! See you tomorrow mga dabarkads! ????????????????????

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

 

Matapos siyang bumida sa award-winning independent film na “Die Beautiful” noong nakaraang taon, patuloy ang pagpapasaya ni Paolo bilang host sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga!”

Nitong nakaraang Pebrero, itinampok rin siya sa cover ng Team, isang magazine na para sa pagbabahagi ng iba't ibang balita at kuwento ng mga gay men sa Pilipinas at Southeast Asia. 

Read more: Paolo Ballesteros, tumanggap muli ng international award para sa 'Die Beautiful' 

Nakatakdang ring bumida si Paolo sa “Eat Bulaga!” Lenten Special episode na “Inay” sa darating na Holy Monday, kasama sina Allan K., Sinon Loresca, at AiAi Delas Alas. — AT, GMA News

LOADING CONTENT