ADVERTISEMENT

Showbiz

GALLERY

Marian Rivera’s Flora Vida set for soft opening on Tuesday

Matapos ang ilang buwang paghahanda, inanunsyo na ng Kapuso Primetime Queen at”Tadhana” star na si Marian Rivera ang nalalapit na pagbubukas ng kaniyang bagong negosyo—ang Flora Vida: Perennial Blooms by Marian, kung saan makakabili ng “home-assembled preserved blooms” na gawa mismo ng aktres.

Nitong Linggo, ibinahagi ng proud business owner ang nakatakdang soft opening ng Flora Vida sa darating na Martes, April 18.

“Hola Buenas Noches! We will have our soft opening starting Tuesday, April 18. All orders received until April 28 will be available for pick-up on 29 in our office. We will resume orders by May 17,” aniya.

 

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na hilig ng aktres ang mga bulaklak at flower arrangement, kaya naman labis ang kaniyang ligaya nang mabigyan siya ng pagkakataong gawin itong isang business venture.

Matatandaang nagtungo pa ang Kapuso host-actress sa Japan nitong nakaraang buwan upang dumalo sa flower arrangement lessons

ADVERTISEMENT

, kabilang ang isang klaseng pinangungunahan ng Danish floral artist na si Nicolai Bergmann.

Sa naunang pahayag, sinabi ni Marian na magiging hands-on siya sa pagpapatakbo ng kaniyang negosyo.

Aniya, “’Yung gagawin kong arrangements, ako mismo ang gagawa. Walang ibang taong gagawa nito. Secret pa ang concept, pero ako lahat—ang magde-design, mamimili ng kulay, gagawa ng arrangement. Ako lahat.”

LOOK: Take a sneak peek at Marian Rivera's fabulous Flora Vida office

Silipin ang ilan sa mga disenyong ibinahagi ni Marian sa Instagram account ng Flora Vida:

Bianca Rose Dabu/BM, GMA News