advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera prepares, designs all floral arrangements for new biz Flora Vida


Nagbukas na sa publiko ngayong Martes, April 18, ang Flora Vida: Perennial Blooms by Marian, ang bagong business venture ng Kapuso Primetime Queen at “Tadhana” star na si Marian Rivera.

Paglalarawan ng aktres sa Flora Vida, “Flora Vida by Marian is an online flower shop specializing in preserved flower arrangements. I personally prepared and designed all flower arrangements."

Dagdag pa niya, “100% naturally preserved flowers” ang kaniyang gamit, at maaari itong magtagal hanggang dalawang taon kung maaalagaan nang mabuti.

Upang magtagal ang mga bulaklak, payo ni Marian, “Place the flower arrangement in a cool place; Avoid contact with water; Avoid exposure to direct heat and sunlight; Avoid high humidity environment."

 

 

" After women, flowers are the most divine creations." -Christian Dior #FloraVidabyMarian ???? by: BJ Pascual ????????

A post shared by Flora Vida By Marian ???? (@floravidabymarian) on

 

Habang nasa soft opening pa lamang ang kaniyang negosyo, tatanggap ng orders ang aktres mula ngayong araw hanggang sa susunod ng linggo, April 28, at muli sa darating na May 17.

Makikita ang mga disenyong maaaring bilhin sa Instagram account na @floravidabymarian.

 

 

Hola! ???? Today is the soft opening of Flora Vida. I will be accepting orders from April 18 to April 28. All confirmed orders will be available for pick-up on April 29 in our Quezon City office. I will resume accepting orders on May 17. ?FAQ: ?What is Flora Vida by Marian? Flora Vida by Marian is an online flower shop specializing in preserved flower arrangements. I personally prepared and designed all flower arrangements.??Are the flowers real? Yes, Flora Vida by Marian uses 100% naturally preserved flowers. ?Where can the products be viewed? Since my website is not yet ready, photos of the types of flower arrangements can be seen in the @floravidabymarian instagram account.??How long will the flowers last? With proper care, the preserved flower arrangement can last for 2 years.??What are the care instructions for preserved flowers? Place the flower arrangement in a cool place; Avoid contact with water; Avoid exposure to direct heat and sunlight; Avoid high humidity environment.??How to order: Send your order to FloraVidaByMarian@gmail.com. Please provide your name, contact number, type of flower arrangement and quantity. You will receive an order confirmation email which will include the details of your order, payment instructions and pick-up address. ?Payment mode: Bank deposit at PNB or Cash on Pick-up. For inquiries, feel free to message me at FloraVidaByMarian@gmail.com. ??

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

 

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na hilig ng aktres ang mga bulaklak at flower arrangement, kaya naman labis ang kaniyang ligaya nang mabigyan siya ng pagkakataong gawin itong isang business venture

Matatandaang nagtungo pa ang Kapuso host-actress sa Japan nitong nakaraang buwan upang dumalo sa flower arrangement lessons, kabilang ang isang klaseng pinangungunahan ng Danish floral artist na si Nicolai Bergmann, isa sa top florists mula sa nasabing bansa. 

Sa naunang pahayag, sinabi ni Marian na magiging hands-on siya sa pagpapatakbo ng kaniyang negosyo.

Aniya, “’Yung gagawin kong arrangements, ako mismo ang gagawa. Walang ibang taong gagawa nito.... Ako lahat—ang magde-design, mamimili ng kulay, gagawa ng arrangement. Ako lahat.”

LOOK: Take a sneak peek at Marian Rivera's fabulous Flora Vida office

—Bianca Rose Dabu/KG, GMA News

LOADING CONTENT