ADVERTISEMENT

Showbiz

Ika-6 na Utos: Georgia nabuko na sa kaniyang pagkukunwaring bulag

Nabisto na rin sa wakas ang pagpapanggap ni Georgia bilang isang bulag para lang mapasakanya si Rome.

Sa isang handaan, hinanap ni Emma ang pagkakataon para akitin ang kaniyang asawa, na siyang ikinainis ni Georgia.

Laking gulat naman ni Rome nang biglang tumayo at sinampal ni Georgia si Emma, na akala niya'y isang bulag.

Nahantong ito sa muling pag-aaway ng dalawang babae, kung saan napatumba si Emma. Ngunit tila hindi na gumana ang depensa ni Georgia kay Rome.

ADVERTISEMENT

Panoorin.

—Jamil Santos/ALG, GMA News