Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lani Mercado slightly worried about her revelation in YES!


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lani Mercado sa surprise birthday dinner ng maybahay ni Jinggoy Estrada na si Precy Ejercito last November 21 sa Cirkulo restaurant sa Pasay Road, Makati City. In our short conversation with Lani, kinumusta namin siya after the exclusive interview she and husband Sen. Bong Revilla gave to YES! magazine's December 2007 issue. It seems like the said Lani-Bong interview will be the next "hot topic" in showbiz after the much talked about revelations of Pops Fernandez recently in YES! Nung una ay natawa lang si Lani at kunwari ay parang gustong umiwas sa mga tanong namin. Initially ay dinadaan niya sa biro ang kanyang reactions about the issue, pero later on naging seryoso na siya. Inamin niya sa PEP na medyo worried siya about the YES! article. She told us na may kopya na sila nito sa bahay nila at nag-aalala siya sa tatlong nakababatang anak niya kapag nabasa ito. According to Lani, there's one particular item in the article written by YES! Editor-in-chief Jo-Ann Maglipon na hindi alam ng kanyang mga anak, at yun ang kanyang winu-worry. Sina Bryan, Jolo, at Inah ay alam na raw ang bagay na ‘yon at naiintindihan na ng mga ito dahil malalaki na ang tatlo. But the three younger kids na sina Gianna, Loudette, at Ram ay wala raw kaaalam-alam tungkol dito. Sabi ni Ms. Lani, kapag nabasa ‘yon ng tatlong bagets at nagtanong ang mga ito tungkol doon ay kakausapin niya ang mga bata. Pero ang pauupuin niya at hahayaang magpaliwanag sa mga ito ng lahat-lahat about the issue ay ang daddy nilang si Bong. Even if Lani refused to tell us kung ano yung isang item na ‘yon na tinutukoy niya, obviously, she's referring to that part in the article na nabanggit ni Ms. Jo-Ann na ang former actress-beauty queen na si Josephine "Jopay" Canonizado yung latest girl na nagkaroon ng anak si Bong. Matagal nang laman ng mga blind items ni Dolly Anne Carvajal in her broadsheet column ang tungkol sa relasyon at pagkakaroon ng anak nina Bong at Jopay. Sa latest issue ng YES! ay direkta na itong tinalakay at pinangalanan. Si Jopay or Jo Canonizado ay nanalong Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific in 2000. Naging print and TV commercial model din siya at nakagawa ng dalawang pelikula: Mananabas with Cesar Montano in 2001 and Hustler with Jacky Woo in 2002. She later changed her showbiz name to Josephine Ortiz. Napag-alaman ng PEP from a source na napakaganda raw ng baby girl na anak ni Josephine kay Bong, na kung hindi kami nagkakamali ay ipinanganak last September. Just recently ay hayagan na ring inamin ng actor-politician ang tungkol sa 15-year-old son niya from another woman. Ang nasabing bagets named Luigi was even part of the 18 roses sa debut party ni Inah Revilla last October 13. Balitang close sina Bryan at Jolo sa kanilang half-brother and even their mom Lani ay tanggap si Luigi. - Philippine Entertainment Portal
LOADING CONTENT