Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Ken Chan, may bagong hairdo para sa kaniyang series


Ipinakita ni Ken Chan ang bago niyang hairstyle bilang paghahanda sa bago niyang series na One Of The Baes.

Nagbigay si Ken ng teaser sa kaniyang Instagram sa bago niyang look, kung saan black and white ang kaniyang buhok at ang background.

 

 

Pero sa Instagram stories ni Ken kung saan kasama niya ang kaniyang hairstylist na si Bambi Fuentes, makikita ang blonde niyang buhok.

 


Muling makatatambal ni Ken ang kaniyang on-screen love team na si Rita Daniela sa naturang series.

Bago nito, matagumpay ang kanilang "BoBrey" love team sa hit afternoon series na "My Special Tatay." —LDF, GMA News