Kinumpirma ni Ysabel Ortega ang panliligaw sa kaniya ngayon ni Miguel Tanfelix, at sinusuyo ng binata pati ang kaniyang ina. Inilahad din niya ang mga rason kung bakit dapat tanggapin ng kaniyang pamilya ang aktor.

“Yes. Kami parehas,” nakangiting sabi ni Ysabel sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes tungkol sa panliligaw ni Miguel sa kaniya at sa kaniyang ina na si Michelle Ortega.

Mas nakikilala ngayon ni Ysabel at ng kaniyang pamilya si Miguel sa pamamagitan ng “little things” na ginagawa ng binata para sa kanila.

“Kasi ‘yung mom ko, of course, siyempre we know naman na kapag kunwari nanliligaw ka sa isang tao it really takes time, and time is the best way to get to know a person. So I think ‘yung ginagawa ni Miguel is just really to show my mom who he is, kung ano ‘yung intentions niya sa akin,” ani Ysabel.

“And at the same time na susundin niya rin ‘yung kondisyon ko na if kunwari mamahalin mo ako, kailangan mahalin mo rin ‘yung mga nasa paligid ko. Kailangan mahalin mo rin ‘yung nanay ko, ‘yung tatay ko. And he’s showing that and he’s proving that day by day,” dagdag ng dalaga.

Parehong bida sina Miguel at Ysabel sa live action adaptation ng Voltes V anime series na “Voltes V: Legacy.”

Hinagaan din ng kaniyang ina si Miguel sa mga naging pahayag nito nang makapanayam din sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

“Pumapalakpak Tito Boy. She appreciated Miguel’s message to her dito po sa show niyo. She really appreciates that kasi of course, my mom wants the best for me,” sabi ni Ysabel.

Inilahad ni Ysabel ang kaniyang mga rason kung bakit dapat tanggapin ng kaniyang pamilya ang kaniyang Voltes V: Legacy co-star.

“Miguel is a gentleman. He is loving, he is caring. Number two, aalagaan po niya ako at inaalagaan po niya ako. Number three, it’s hard not to love Miguel. There’s nothing na hindi mo dapat imahal kay Miguel.”

Miguel at ang kaniyang mga ex

Samantala, inilahad din ni Ysabel na naging bukas si Miguel sa kaniya na pag-usapan tungkol sa mga naging ex nito.

Matatandaang sa panayam kay Miguel sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong nakaraang buwan, inilahad ng binata na nakarelasyon niya ang mga Kapuso actress na sina Barbie Forteza, Bianca Umali at Kyline Alcantara.

“Ever since naman po we’re very open about those kinds of things. Wala namang surprise po, wala siyang tinago. I know naman about it,” sabi ni Ysabel.

Natanong si Ysabel kung paano niya “inaamo” ang isang “matinik” na Miguel Tanfelix.

“For me po it’s not up to me, it’s up to him. It’s his game. If he wants to not to be matinik anymore, if he doesn’t want to be, then sa kaniya po iyon. Basya ako, andito lang po ako… The ball is in his court. If gusto po niyang maging whoever that is, that’s his call.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News