Nakalabas na ng ospital si Gardo Versoza at patuloy na nagpapagaling matapos atakihin sa puso.

Sa Instagram ni Ivy Vicencio, asawa ni Gardo, inilahad niyang bumuti na ang kalagayan ng aktor at pinayagan na muna ng mga doktor na makauwi.

“Maraming Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng nag dasal at nag alala kay Gardo "Cupcake" Versoza .. sa sobrang dami nyo po hindi ko na masagot ang mga private message ninyo .. mga comment at tawag. Pasensya na po ????????♥?” mensahe ni Ivy bilang pasasalamat sa mga nanalangin para sa kaniyang asawa.

 

 

Pero pagkatapos ng dalawang buwan, kinakailangang muling sumailalim ni Gardo sa isa pang angioplasty.

“Medyo ok na po sya at pinayagan na muna ng mga doctors nya na makauwi. After 2 months mag undergo po sya ulit ng isa pang Angioplasty. Hindi naisabay nung una dahil may Heart Attack na nangyayari,” paliwanag ni Ivy.

“Again .. taos pusong pasasalamat po sainyong lahat ????????????????????????” dagdag niya.

Nagbahagi rin si Gardo ng isang quote tungkol sa pagmamahal ng Panginoon ngayong Biyernes Santo, matapos makalabas ng ospital.

“He bore it all in silence because He held us dear. May He receive our regards… May our prayers He hears… Wishing you a blessed Good Friday!”

 

 

Bago nito, nakaranas si Gardo ng pananakit ng likod, pero ayaw pang magpadala sa ospital noong una dahil may taping pa kinabukasan.

Kalaunan, nakumbinsi ni Ivy si Gardo na magpaospital, kaya dinala si Gardo sa Cardinal Santos Hospital.

Dito, natuklasang dalawang ugat sa puso ni Gardo ang barado, kaya sumailalim siya sa angioplasty.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News