Kamandag finale: Who will win Richard’s heart? Jewel or Maxene?
Nasa huling linggo na ang Kamandag pero maging ang mga cast ng numero unong telefantasya ng GMA 7 ay walang nakakaalam kung sino kina Maxene Magalona at Jewel Mische ang pipiliin ni Richard Gutierrez. Talagang pinaghahandaan at pinapaganda ang pagtatapos ng Kamandag. At sa kagustuhan ni Richard na maging makatotohanan ang bawat eksena ay naaksidente siya sa isang fight scene nila ng kanyang kapatid na si Rocky. âSiyempre hindi naman maiiwasan na magkaroon ng aksidente paminsan-minsanâ¦kaya natural lang yun sa mga fight scene," kwento ni Richard kay Audrey Carampel ng Chika Minute sa GMA news 24 Oras. Tinamaan ng props na espada ni Rocky ang daliri ni Richard kaya namaga ito. Pero sa kabila nito, masaya pa rin siya sa kanyang taping sa mala-paraisong Daranak Falls sa Tanay, Rizal. âBukod sa mga fight scene, sa mga stunt na ginagawa namin⦠meron din kaming mga drama na eksena na talagang napakaganda rin," ani Richard. Isang environmentalist si Richard kaya naman siguro na-appreciate nya nang husto ang ganda ng kapaligiran ng Daranak falls. âMas masarap magtrabaho kapag ganito kaganda. At the same time excited kaming gawin yun finale. Talagang napakaganda ng finale ng Kamandag." Pero kanino nga ba mapupunta ang puso ni Kamandag? Kay Maxine o kay Jewel? Ang leading ladies hindi nila alam. âPwedeng sa akin, pwedeng kay Mitch, pwedeng wala," ayon kay Maxine. âYun nga po ang nakapagtataka dahil matatapos na pero hindi pa natatapos ang script so lahat kami balak nilang i-surprise," pahayag naman ni Mitch. - GMANews.TV