Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Richard Gomez, wife Lucy pick 'normal method' to have new baby


Big deal para sa major networks ang ratings game, kaya naman masayang-masaya ang premyadong aktor at game show host na si Richard Gomez dahil nagpapakitang gilas sa ratings ang kanyang nagbabalik na daily game show, ang Family Feud, sa GMA-7. Sa overnight ratings ng AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households, noong October 23 (Biyernes), nagtala ang Family Feud ng 14.5% rating, at mas tumaas pa ito noong October 26 (Lunes) with 15.2%. "I'm so happy with Family Feud now that it's back dahil maganda ang ratings namin," masayang simula ni Richard nang minsang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Twenty-five years na pala sa local show business si Richard, at napatunayan na nito ang kahusayan bilang aktor with his best actor awards. And in his silver anniversary year, may bagong ine-enjoy na "role" si Goma sa kanyang makulay na career—ang pagiging game show host nga ng Family Feud. "Yeah, the energy kasi you get them from the contestants, e. What makes the show fun and funny ay yung mga sagot ng mga contestant, e," sabi niya. Two seasons o 26 weeks tatakbo ang Family Feud. Pero dahil nagdeklara na si Goma na ng intensiyong pumasok sa pulitika sa Ormoc City (hometown nila ng asawang Lucy Torres-Gomez) sa darating na eleksiyon sa 2010, ‘di kaya magka-conflict sa election rules ng Comelec na bawal mapanood sa TV ang sinumang tatakbo for public office? "Parang wala namang conflict. If ever siguro, kung matutuloy akong tumakbo, I might miss the last two weeks of Family Feud. Other than that, everything is okay," sagot ni Goma. INDIE FILMS. Samantala, huling lumabas sa pelikula si Richard middle this year sa Bente, isang indie film na idinirek ni Mel Chionglo kung saan co-star niya sina Iza Calzado, Jinggoy Estrada, at Aldred Gatchalian. Ano nga ba ang personal na pananaw ni Goma sa independent (indie) films? "Ako, personally, my take on indie films, they should not... Just because ang gamit nila ay digital na media, it should always considered as an indie film. Hindi, e. Gawin nilang mainstream. It doesn't matter. So what, ‘di ba? Mahal nga lang kasi... Yung promo, yung marketing, mahal talaga, lalo na yung pagta-transfer [into film material]. Gusto kong gumawa, kaya lang, hindi ko alam, e. Ever since naman, mapili ako sa material," saad ni Goma. Kumusta na nga ba ang isa sa mga pangarap ni Goma na maging isang direktor—indie films man o TV commercials? "I love directing. I love cinematography so much," bulalas niya. "Except that it eats up so much of my time. So, sa mga panahon na 'to... Parang talo ako 'pag gano'n, e. I have studied na, yes, pero more than that, talo lang ako sa oras ko. Lugi ako. "Pero, I've done about 28 commercials, and occasionally ‘pag wala silang director, ako ang kinukuha nila. Puwede siguro commercials," pahabol niya. "Sa TV, if given the chance, ang gusto ko talagang idirek for TV, ay either lifestyle, game show, or comedy show, or mga live show like SOP. More than mas madali, do'n ako enjoy and that's my personality kasi, e. Like 'pag comedy director ka, kailangan alam mo yung timing mo, e. For the longest time, yun ang ginagawa namin, e, nung lumalaki ako, di ba, sa Palibahsa Lalake? In fact, si Mr M [Johnny Manahan] ang nag-inspire sa akin to get into directing," deklara ni Goma. STILL TRYING FOR ANOTHER BABY. Sa personal namang aspeto ng buhay ni Richard, kumusta na ang asawa nitong si Lucy Torres-Gomez? "Lucy is very happy doing The Sweet Life [sa Q-11], tapos sa Channel 5, meron siyang Shall We Dance," sabi niya. Aminado si Goma na naiinip na silang mag-asawa na sundan na ang anak nilang si Juliana, na kiddie endorser na rin ng Bench ngayon. "Oo nga, e. Si Juliana, it took us more than two years bago siya dumating. Itong pangalawa namin, ang tagal. But we keep on praying na sana dumating na kaagad, magkaroon na, kasi malaki na rin si Juliana, e," sabi niya. May regular check-up daw si Lucy with her OB-Gyne specialist. Dito ibinalita ni Goma na nais na raw ng doctor ni Lucy na sumailalim ito ng isang medical procedure upang makatulong o maka-enhance sa pagbubuntis ng isang babae—ang laparoscopy. "Ang gustong gawin ng doctor ni Lucy, mag-undergo siya ng laparoscopy. Yung laparoscopy, lilinisin lang ang fallopian tube niya, para yung egg cell at sperm cell, walang obstruction. E, si Lucy, takot sa mga ganoong procedures. Kahit na nga injection, natatakot yun, e," kuwento ng aktor. Ang laparoscopy nga raw ang best medical advice ng OB-Gyne ni Lucy, pero ayaw pa ng misis ni Goma, na nag-natural birth kay Juliana at hindi sumailalim ng caesarean procedure. "We're trying pa rin the normal method. Pero sabi ng doctor niya, once mapa-larosocpy siya, once na malinis na yung fallopian tube niya, madali na yung baby. "Natatakot siya [Lucy], e. Ayaw niya ng mga gano'ng medical procedure, e. Minor surgery kasi 'yon," impormasyon pa ni Goma, na patuloy na umaasang ibibigay na sa kanila ng Diyos ang susunod na anak." Mell T. Navarro, PEP
Tags: richardgomez