advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Heart Evangelista admits going out with Daniel Matsunaga


Sa Miyerkules, September 1, ang alis ni Heart Evangelista para sa much-awaited vacation na hiningi niya sa GMA Network. Ito ang masayang ibinalita ni Heart nang dalawin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang last taping day niya ng Langit Sa Piling Mo nitong Lunes, August 30. Wedding scene nina Heart at Mark Herras ang eksenang kinukunan ni Direk Gil Tejada sa Aviation Complex ng Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) sa Clark, Pampanga. Sino ang kasama niya sa vacation niya? "Si Mommy and my sisters dahil ayaw ko nang mag-travel alone," sagot ni Heart. "Sa San Francisco muna kami for three days bago kami tutuloy sa Las Vegas, Nevada. Naghihintay na sa amin doon si Daddy, nauna siyang umalis sa amin. We will be away for 17 days. Ito ang pinakahihintay kong bakasyon with my family. I'm excited dahil bata pa ako nang una kaming pumunta ng Las Vegas at marami na raw nabago doon." Mami-miss ba niya ang mga kasama niya sa Langit Sa Piling Mo? "Mami-miss ko po sila lahat kasi nag-bonding kami talaga sa taping. Magkakasama kaming lahat palagi sa holding area like kung ganitong nasa location kami. Sana makatrabaho ko ulit sila," pahayag ng aktres. NEXT PROJECT. May susunod na ba siyang project after ng Langit Sa Piling Mo? "Wala pa, pero when we come back, we will discuss kung ano ang susunod kong project. Under negotiation pa rin ang next movie ko. Alam ko may gagawin akong isang movie, pero under negotiation pa 'yon." Nabanggit namin kay Heart na gusto siyang makatrabaho muli ni Geoff Eigenmann ngayong pareho na silang nasa Kapuso Network. Puwede bang matuloy 'yon if ever may offer sa kanila? "Why not?" sagot ni Heart. "Open ako doon, kasi noong nasa kabila [ABS-CBN] kami, nakagawa kami ng dalawang projects [Hiram at Hiram Na Mukha], hindi nga lang nagtuluy-tuloy kasi ginawa ko ang Panday and the rest is history. Wala naman sigurong magiging problema. Ang may last say naman sa mga projects na ginagawa ko ang parents ko." DANIEL MATSUNAGA. Masaya ang aura ni Heart habang kausap namin siya kaya itinuluy-tuloy namin ang pagtatanong tungkol sa balitang nakikita silang nagdi-date ng Brapanese model/actor na si Daniel Matsunaga na isa sa leading men niya sa soap. Exclusively dating na ba sila ni Daniel? "Not exclusively dating naman, but yes, lumalabas kami na kami lang," pag-amin ni Heart. "He is a very simple person. Akala ko noong una ko siyang makilala, para siyang isang manikin na walang pakialam. "Pero marami na akong nalaman sa kanya. Kung gaano siya kabait, he's very conservative, very religious, how he loves his family... Napaka-close niya sa kanyang family at dedicated siya sa trabaho niya." Naipakilala na ba niya sa family niya si Daniel? "Yes, bumisita siya sa bahay, na-meet niya ang family ko. Si Daddy nga, nag-nose bleed sa kanya!" nagbibirong sabi ni Heart. "Alam mo naman si Daddy, Pinoy talaga 'yan. Pero si Mommy, nakakapag-converse silang dalawa dahil marunong siyang magsalita ng Spanish. Ako rin, may konting alam ako sa Spanish kaya nakakapag-usap din kami ni Daniel in Spanish. Pero nakakatuwa, kasi he's really trying to learn Tagalog. Sa soap nga namin, marami na siyang dialogue in Tagalog." Napakain na ba niya si Daniel sa Filipino restaurant nila, ang Barrio Fiesta? "Minsan, kasi natanong niya ako why everybody daw ay asking him about Barrio Fiesta," sabi niya. Tapos na ang taping niya, mami-miss ba niya si Daniel dahil matagal-tagal din ang bakasyon niya at hindi silang magkikita? "We'll see," nakangitimg wika ni Heart. "Pagbalik ko, ikukuwento ko sa inyo kung mami-miss ko siya habang nasa Las Vegas ako." - Nora V. Calderon, PEP
LOADING CONTENT