ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Mr. Fu forced to say goodbye to Tweetbiz


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Labis na ikinalungkot ni Mr. Fu ang hindi na pagre-renew ng Q-11 sa kanyang kontrata para sa fourth season ng showbiz program na Tweetbiz. Natapos na kasi ang kontrata niya noong first week ng September kasabay ng pagtatapos ng third season ng show. Hanggang sa Biyernes, September 24, na lang siya mapapanood sa show. "Siyempre malungkot ako noong una kong nalaman. Natural na reaksiyon lang iyon para sa akin. Kasi ang Tweetbiz ang first-ever regular kong show kaya siyempre nalungkot ako. "Pero ganun talaga e, television is very temporary. Yung mga TV shows talaga ay temporary, ang mga talents ay temporary. So, tinanggap ko na naman yung desisyon nila [Q-11 management] na hindi na i-renew yung kontrata ko sa Tweetbiz. "So, ganun yung naging reaksyon ko. Sad pero I have to accept it. I have to let go and move on," pahayag ni Mr. Fu nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, September 20, sa set ng Tweetbiz. MINOR TOOTH SURGERY. Gusto lang din linawin ni Mr. Fu na noong unang lumabas sa PEP Alerts noong September 10 na tinanggal na siya sa Tweetbiz ay hindi pa raw sila nakakapag-usap ng management dahil hindi nga siya nakapag-taping noong September 9. Kaugnay nito ay humingi pa ang PEP ng clarification mula sa pamunuan ng Tweetbiz at lumabas nga sa PEP Alerts noong September 11 na: "Hindi totoo ang report na tinanggal na si Mr. Fu sa Tweetbiz ng QTV 11. Ayon sa pamunuan ng show, nagkaroon lang ng minor tooth surgery si Mr. Fu last Wednesday, Sept. 8, kaya hindi siya napanood ng Thursday at Friday episodes. Balik-Tweetbiz siya sa Lunes, Sept. 13. Non-exclusive ang contract ni Mr. Fu sa QTV at TV5 kaya pinapayagan siyang gumawa ng shows sa dalawang TV stations." Kuwento ni Mr. Fu. "Yun nga, noong hindi ako nakapag-taping sa Tweetbiz, yun ang pinakaunang-una kong absent sa Tweetbiz ay nagpa-tooth surgery ako. So, namamaga yung pisngi ko. Ayoko namang humarap sa camera na namamaga yung pisngi ko. "So, I said na hindi ako makakapasok. Nagradyo ako noong umaga that day kasi nakakapagsalita ako. E, siyempre, 'eto TV, pangit namang makita na namamaga yung pisngi ko, so nag-absent ako. "Nagulat na lang ako na may lumabas noong Friday [September 10] na tinanggal ako sa Tweetbiz. So, tinext ko yung EP [executive producer] namin, kung totoo yung lumabas sa PEP. "And she said hindi raw totoo yun. And then, nalaman ko na lang na may lumabas ulit sa PEP na dinenay ng management na inalis ako. So, okay na ako kasi hindi totoo." SAD BUT NO HARD FEELINGS. Pero muli na namang kinabahan si Mr. Fu nang pagbalik niya sa taping ay ipinatawag na siya ng management. Nag-usap daw ang manager niyang si Noel Ferrer at head ng QTV na si Ms. Gigi Santiago-Lara, assistant vice president for alternative productions. "Monday [September 13], balik-taping na ako. Doon na ako sinabihan na parang may ina-assess daw ang management about me sa Tweetbiz. "So, sabi ko, 'Sige, let me know kung ano po yun.' Kasi, parang may nararamdaman kang kaba pag may ganung statement, di ba? "So, nag-usap yung manager ko at saka yung management ng QTV. Tapos yun ang sinabi nila na hindi na nila ire-renew ang kontrata ko, na hanggang next week na lang ako, which is this week nga." Sumama ba ang loob niya? "Alam mo, hindi ko na alam kung ano yung mararamdaman ko," sagot ni Mr. Fu. "Siguro mas nangibabaw na lang yung lungkot, it's more of nalungkot. "Ako kasi, hindi ako nagtatanim [ng galit] sa tao. Hindi ko masyadong dinidibdib ang mga bagay-bagay. "It's more of lungkot, which is just a natural reaction for me. Kasi nga mahal ko yung show, mahal ko yung mga taong kasama ko rito. "Pero tinatanggap ko na ganun yung nangyari. Kasi desisyon nila yun, e. Kasi sila ang mga bossing, talent lang naman ako. Kung ayaw na nila sa serbisyo ko, tatanggapin ko yun. "Hindi ko naman puwedeng ipagpilitan ang sarili ko. Kasi naniniwala naman ako na kapag may nawala, may darating. "Ang pakiusap ko nga, huwag nilang palabasin na ako yung umalis, na ako yung nag-resign. Kasi kung ako yung tatanungin mo, ayoko namang umalis sa Tweetbiz. Gusto kong ipagpatuloy yung show hangga't may Tweetbiz dahil napakamahal ko yung show at ang mga katrabaho ko rito. "E, since hindi na ako ni-renew, tatanggapin ko yun. Ayoko lang lumabas na iniwan ko yung Tweetbiz para piliin ko yung ibang shows ko. "Kasi, as it is, puwede ko namang pagsabayin yung shows ko sa TV5 at saka yung show ko dito dahil wala namang conflict. At ginagawa ko na yun before pa," sabi niya. - Glen P. Sibonga, PEP
Tags: mrfu, tweetbiz