ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Dingdong Dantes plays Regine Velasquez's leading man in I Heart You, Pare


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos siyang mai-launch bilang Youth Ambassador for the Arts noong Sabado, November 6, sumabak agad sa trabaho ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes. Ito ay ang bago niyang teleserye para sa GMA-7 kunsaan makakapareha niya si Regine Velasquez, ang I Heart You, Pare. Sinimulan ang taping nito noong Martes, November 9. During the launch, naitanong kay Dingdong kung anong ginagawa niyang paghahanda kapag may uumpisahan siyang proyekto. No doubt, preparado na si Dingdong sa pakikipagtrabaho sa Asia's Songbird, ayon sa naging mabilis na takbo ng mga pangyayari. "The last time we did something like this was a long time ago," panimula ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "May ginawa kaming TV special noon, parating ipinapalabas 'pag Mahal na Araw. "At saka isang pelikula, kasama niya si Christopher de Leon, Pangarap Kong Ibigin Ka. Siyempre, matagal na 'yon, iba rin yung ngayon." Year 2002 nang gawin at ipalabas ang Pangarap Kong Ibigin Ka, na supporting pa lang si Dingdong. This time, sa I Heart You, Pare, siya na mismo ang kapareha ng Asia's Songbird. "Yung preparation, e, pareho rin sa kung meron akong bago talagang leading lady," sabi ng matinee idol. "Because siyempre, iba na rin yung landscape, iba na rin yung timpla ng characters. So it is equally as challenging as it was the first time." BONDING WITH REGINE. Sa pagre-recall pa ni Dingdong tungkol pagkakataon na nagkasama at nag-bonding sila ng singer-actress, aniya, "Ang masasabi ko, yung latest tour namin, sa America." Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang Heart 2 Heart concert tour nina Regine at Ogie Alcasid kunsaan naging special guests sina Dingdong at Marian Rivera. Isang buwan silang naglibot sa iba't ibang panig ng U.S. at Canada para mag-perform sa mga kababayan natin doon. "Limang concerts 'yon," pagkukuwento pa ng 30-year-old actor. "Magkasama kami for a long time. "And, nagkaroon pa kami ng duet. So, kahit papa'no, e, may [bonding] kami...meron siyang second voice. Second voice lang po ako!" natatawang biro pa niya. Tinanong din si Dingdong hinggil sa naging obserbasyon niya kay Regine sa panahong 'yon ng pagtatrabaho nila abroad. "Mas madalas ko siyang nakikitang masaya," wika niya. Ano naman ang damdamin ng aktor ngayong aarte sila together ni Regine? "Natatakot ako. Baka matawa ako kapag nagpa-punchline siya!" tawa rin ni Dingdong. Isang romantic comedy ang I Heart You, Pare at inaasahang magiging kuwela ang bagong tandem. "Bilib ako sa kanya sa mga rom-com [romantic comedy] na ginagampanan niya," pagtukoy ni Dingdong sa aktres. "I believe in her spontaneity, yung pagka-spontaneous niyang tao, na nakakaaliw. Kahit ako, namamangha sa mga pagbibitiw niya [ng dialogue]. Baka matawa ako on the spot!" MOVIE WITH KRIS. Samantala, magkakaroon ng isa pang bagong leading lady si Dingdong once mag-umpisa ang shoot nila ni Kris Aquino ng pelikula para sa GMA Films. "Oo, next year. I think, sometime late next year," pagkumpirma ng guwapong aktor sa napabalita. "Mahirap pang sabihin kasi hindi ko pa alam kung ano ang storyline nito, e. It's hard to compare, not unless you really have both information at hand." How about directing a movie again, tulad ng ginawa niya noon in an episode of the trilogy movie Angels, na iprinodyus ni Angel Locsin? "Puwede pa naman 'yon," wika ni Dingdong hinggil sa pagdidirek uli ng isang pelikula. "Mas maganda, marami ka [munang] experiences as an actor bago ka maging direktor." - William R. Reyes, PEP