ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sen Bong cites real reason why he and wife Lani left early during MMFF awards night


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Magkasabay na dumating sina Senator Bong Revilla at asawa nitong si Congresswoman Lani Mercado sa 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) awards night na ginanap kagabi, Disyembre 28, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, Pasay City. Pero hindi pa man dumarating sa kalagitnaan ang gabi ng parangal, tumayo na sa kanilang kinauupuan ang mag-asawang Revilla at agad na lumabas ng venue. May mga nang-iintriga tuloy na tila nag-walkout sila dahil ito yung mga sandaling sunud-sunod ang pananalo ng awards ng pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni Laguna Governor Jorge "ER" Ejercito. Naka-labing-isang award ang Asiong Salonga, kasama na ang award na Best Picture. Pero bago pa man umalis sina Senator Bong at Congresswoman Lani ay nakausap na ang mga ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at nagpasabi nang hindi na nila matatapos ang gabi ng parangal. "May flight kasi ako ng 6 in the morning. "I have to go to Iligan and Cagayan de Oro," sabi ng senador sa panayam sa kanila ng PEP sila umalis. Kuwento ni Senator Bong, kagagaling lang daw niya sa Cagayan de Oro para magbigay ng tulong sa mga nasalanta roon ng bagyong Sendong. "As I've promised, babalik tayo doon," aniya. "Tomorrow [ngayong araw na ito, Huwebes, Disyembre 29) morning, I'll be there. "Marami tayong dinala at dadalhin pang mga tulong sa mga kababayan natin doon. "Marami tayong mga kaibigan na sumuporta at kasama natin sa pagbibigay ng tulong," masayang pagbabalita ng senador at bida ng MMFF entry na Panday 2. Gusto rin daw sanang sumama ni Congresswoman Lani sa Cagayan de Oro. Kaya lang ay naghahabol daw ito sa taping ng malapit nang matapos na epicserye ng GMA-7 na Amaya. Ginagampanan ng Bacoor congresswoman ang papel na Dal'lang, ang ina ni Amaya na ginagampanan naman ni Marian Rivera. HOW WAS THEIR CHRISTMAS? Kinumusta ng PEP ang Pasko ng mga Revilla. "Maayos naman ang Pasko namin," sagot ni Congresswoman Lani. "Medyo nakakapagod lang dahil galing pa sa parade ng Metro Manila Film Festival. "Pero nakaraos naman. Maligayang-maligaya ang Pasko namin," dagdag pa ng 43-year-old na congresswoman. Nakuha ba naman nila ang inaasam na Christmas gift sa isa't isa ngayong taon? "Basta mahalin lang ako ng asawa ko nang habambuhay. Iyon ang pinakamagandang Christmas gift para sa akin," sabay tawa ng 45-year-old na senador. Napangiti muna naman ang house representative ng lone district of Bacoor bago sumagot sa tanong ng PEP. "Basta ang ipinagdasal ko talaga ay maging maganda ang turn out ng Panday 2 sa box office. "Yung ikalawa kong wish, hindi pa sinasagot ni Lord. Kung ano 'yon... secret ko na lang. "Personal kasi 'yon," nakangiti pang sabi niya. PLANS FOR THE NEW YEAR. Ano naman ang plano nila sa darating na pagpapalit ng taon? "With the whole family pa rin, of course," sagot ni Senator Bong. "Yung dating tradisyon na ginagawa namin, sa loob kami ng simbahan sa paghihiwalay ng taon. "Sa New Year, basta do'n lang kami sa church sa Cavite . Kaming buong pamilya. "Dapat happy tayong lahat sa Bagong Taon." Meron bang New Year's resolution ang senador? "More time with the family. Yun!"-- Ruben Marasigan, PEP
Tags: 2011mmff, panday2