ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine Velasquez not yet ready for a full-time comeback


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Lumabas na si Regine Velasquez sa Party Pilipinas nitong Linggo, February 12, para sa promo ng Valentine concert nila ng kanyang mister na si Ogie Alcasid. Pero paglilinaw ng Asia’s Song Bird, hindi pa raw ito hudyat ng kanyang comeback sa showbiz Sabi niya: "Magbabawas pa muna ako ng weight. Ang laki-laki kong tingnan sa TV! "Siguro mga twenty pounds pa ang kailangan kong bawasin. "Sinasabi kasi nila, usually, three, four months after. Feeling ko nga, mga after six months pa, e. "Nagbabasa na rin ako. Nalaman ko na nagsisimulang magbawas ng timbang, mga eight months pa. Sabi nga ng kapatid ko. "Ako, okey lang na mag-work habang maliit pa siya [baby nila na si Nate]. He won't miss me as much. "Pero siguro 'pag nag-eight months na siya. Kasi siguro 'pag nag-eight months na siya, kokonti na siyang dedede sa akin. "Kasi magsu-solid na siya. Puwede na akong mag-mix ng milk. "Ngayon kasi, dependent talaga siya sa akin." LOSING WEIGHT. Ang pagbabalik ni Regine sa trabaho ay dedepende raw sa magiging pigura ng kanyang katawan. "I still have two more years sa GMA," banggit niya. "Ang balak ko talaga, 'pag hopefully... when I lose a little bit of weight pa, okey akong mag-work after eight months. "Puwede akong... kasi kailangan kong mag-soap, e. "So, after eight months, puwede akong mag-soap na ulit." Simple pero mahirap ang ginagawang pagdi-diet ni Regine. "I'm on a soup diet. Lahat sinasabawan! Pati yata tsinelas, sinasabawan!" biro niya. "Lahat... sinabawang isda, sinabawang gulay, sinabawang halaan! Nilalagyan ng malunggay! "Walang rice! Sabaw! "Kasi it's good for my breastmilk, mas mabilis yung producing... "Plus, it's supposed to make me lose weight dahil ang kinukuha niyang [Nate] energy, yung reserves ko. "Yung milk ko, lahat ng intake ko, yun ang milk. "'Tapos yung energy ko na nabe-burn ko when I produce milk is my fats. "I did it [diet] slowly. Meron akong solid, walang rice, meat lang or fish. "Pero itong mga weeks na ito, puro soup na lang, walang solid." Kapansin-pansin naman ang paglaki ng boobs ni Regine. "Size 50! Cup D!" sabay tawa niya. "Hindi, mga 45, cup D siya. "Yung kapatid ko, ganyan din. Sa kanya naman double D. "Hinahawakan ng asawa niya habang naglalakad siya. Kasi naman, sakit na sakit siya. "Hinahawakan ng asawa niya, o! Masakit sa likod, e. "Saka kasi yung posture mo rin when you are breasfeeding, nakaganyan [yuko] ka, e. " Ayon pa kay Regine, nagkaroon din ng pagbabago sa kanyang buhok. "Alam mo, kumapal ang buhok ko. Kasi dati nag-e-extension ako, parang numipis. "So, nung napansin ko, ang kapal, ang healthy! "'Tapos ang oily lang. Pagkaligo ko, oily na agad." -- Rey Pumaloy, PEP