ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Camille Prats, aminadong mas attracted sa lalaking hindi taga-showbiz


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ngayong Marso, nakatakdang bumalik daw sa Pilipinas ang isa sa mga member ng Philippine Volcanoes na napapabalitang manliligaw ng Kapuso star na si Camille Prats. Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi naman itinanggi ni Camille ang pagkakaroon nila ng patuloy na komunikasyon sa pamamagitan ng Twitter. Nilinaw ni Camille sa amin na hindi niya sinasabing hindi siya interesado sa nasabing non-showbiz guy, pero hindi niya masyadong ini-entertain sa kanyang kaisipan ang posibilidad ng pagkakaroon nila ng relasyon nito. “It’s not that I’m not interested," bungad na paglilinaw ni Camille. “Unfair naman to say that, hindi ko pa naman siya gaanong kakilala. “Pero kasi parang... unang-una, geographically it's impossible, he does not live here. “He lives in New York, he studies in Australia. Tapos, paalis-alis siya rito. So, dun pa lang medyo alanganin na. “Pero I’m not saying naman na there’s no chance at all. Mahirap magsalita nang patapos. “And I think he’s a few years younger than me. And if I’m not mistaken, he’s four or five years younger than me. “And siyempre, iba rin yung kinalakihan niya, iba rin yung kinalakihan ko. Kumbaga, it’s not that easy to look for a common interest." Maayos naman daw ang unang date nila nito. “It was okay," pagpapatunay pa ni Camille. “We had dinner, nagkuwentuhan lang kami. “Siyempre, nagkakahiyaan pa. Hindi pa kami masyadong nagkakatsikahan talaga nang bonggang-bongga. Parang getting to know pa lang." May nakita ka na ba sa kanya na anumang bagay para masabing hindi kayo puwedeng mag-click? “Hindi naman. Yun nga lang i-e-effort ka nang very light... parang iintindihin mo. Pero hindi siya darating na ganung kadali. “It’s something I think we’re gonna need to work a lot on. Kasi nga dahil nga sa ganung pagkakaiba, di ba?" LONG-TERM RELATIONSHIP. Mahirap bang humanap ng bagong karelasyon o susunod na mamahalin lalo na sa pinanggalingan mong isang napakagandang marriage? “Mahirap because I know how it was to be in a marriage, na dati kasi kung single ka, wala kang idea kung ano ang marriage. “At kung alam mo kung ano yun, I don’t think anyone would want me to be living a married life. “It’s not easy. You have to continually work hard at it. It’s a constant effort na tatrabahuhin mo talaga, a lot of work. “Yung iba kasi, akala nila it’s all bliss and happy endings, but it’s not. “Trabaho talaga. Kailangan mo siyang pagtuunan ng pansin, pag-ukulan ng pansin, maraming adjustments... hindi siya madali. “So, for me to start dating again? You really have to see na worth it uli yung pagdadaanan ko uli. “I came from a marriage... unang-una yung dating pa lang mahirap na... sa panahon, sa oras... kung worth my time ba? “Pangalawa, may anak ako. Parang siyempre, I would want my son to be comfortable also. “Pangatlo, kailangan yung tao, kung sino man siya, kailangang makumbinse niya ako na parang it’s worth... you know, giving it another try. “Or that marriage is still possible for me. Kasi gusto ko siyempre, pag nagkataon, I would want... if I’m gonna start dating again, I would want it to be long-term. “Kung mga shorter term lang na pa-cute-cute lang, e, hindi ko na papatulan yung mga ganun. “Kasi mas marami akong dapat pag-ukulan ng pansin. So, for me I'm the long-term type of a person kasi." ENDEARING QUALITIES. Hindi ka kaya mahirapang makahanap ng ganitong lalaki na babagsak sa standard mo o sa terms and conditions mo? “Ipagdarasal ko na lang siya. Dahil kung meron naman talaga na para sa akin, meron talaga. “Pero para sa akin, kung mapapansin mo, never akong nagkaroon ng boyfriend from showbiz kasi I know how crazy the industry is. “So, usually kasi I get attracted to people who are not from showbiz. “I enjoy the idea of its being an entirely really different world from mine. Saka mas realidad, mas praktikal. “Yun yung... doon ako intresado." Baka matatagalan pa bago ka magkaroon ng boyfriend? “Siguro... hindi ko alam, e. Hindi ko naman siya kina-career. Karerin niya ako, hindi ako ka-career sa kanya." Bukas ka naman ba sa posibilidad na pagbigyang muli yung member ng Philippine Volcanoes? “Oo naman, we’re good friends. Walang dahilan para hindi ko bigyan ulit ng chance." In case na ma-in love ka sa athlete? Willing ka bang mag-adjust sa buhay niya, gaya nang pagsunod sa kung saang bansa ito naninirahan? “Hindi ko masasabi yan kasi wala pa ako dun. Pero kung karapat-dapat ko namang i-give up lahat ito to start a new life, a family? I would willingly do so. “Kung nandun naman ang puso ko at nandun ang kasiyahan ko, why not? Yeah, I’m open to doing that." --Rey Pumaloy, PEP
Tags: camilleprats