Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris defends PNoy on Mamasapano: 'Hindi siya EPAL'


Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang ilan sa kanyang bashers kaugnay pa rin sa hindi pagdalo ng kapatid nitong si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa ginanap na heroes’ welcome ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa 44 members ng elite Special Action Force (SAF) ng PNP na nasawi dahil sa engkuwento nila sa ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao.
 
Nangyari ang heroes’ welcome sa tinaguriang #fallen44 sa Villamor Airbase noong January 29, Huwebes.
 
Kung noong umpisa ay si PNoy lamang ang binabatikos ng bashers, pati si Kris ay pinupulaan ngayon kung saan maging ang kanyang personal na buhay ay idinamay na.
 
Maging ang pag-a-unfollow ni Kris kay Judy Ann Santos at sa iba pang artista—kagaya nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid—sa Instagram ay hindi pinalampas ng bashers.
 
Isang Instagram user ang umaasang makikipag-ayos ang Queen of All Media sa mga in-unfollow niya sa Instagram, kagaya nina Judy Ann, Regine, at Ogie.
 
 
Sinagot naman ito ni Kris at sinabing nakipag-ugnayan na siya kay Ogie at nag-sorry dito dahil na-misinterpret niya ang ilang quote na naka-tag sa kanya na galing naman umano kina Ogie at Regine.
 
Paliwanag daw ni Kris kay Ogie, “I said nadala na ‘ko ng sobrang sakit. And I extended my sorry to mi idol @reginevalcasid.”
 
Kapuna-puna na hindi binanggit ni Kris si Judy Ann sa post na ito. 
 
 
Sa kabila ng pambabatikos ng bashers, sinabi ni Kris na hindi niya mapapalampas ang pamba-bash sa kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino.
 
Ani Kris sa isang Instagram user: “You know me. Lahat ng atake I trained myself to ignore, but when my brother’s life is threatened a line is crossed that I will stand up to defend.”
 
Sinabi pa ni Kris na ipagtatanggol niya ang kanyang mga mahal sa buhay.
 
At sa katunayan daw, may mga kaibigan siyang pribadong nakipag-usap sa kanya at hindi sang-ayon sa mga naging hakbang ni PNoy, subalit ginawa nila ito “private & w/ respect.”

 
Nilinaw rin ni Kris sa isang IG user na may ginawang hakbang ang kanyang kapatid para sa mga naulila ng 44 SAF members.
 
Matapang pang pahayag ni Kris: “You want someone to hate & now it is my brother.
 
“Kung nandun siya tapos after photo-po wala na, would that have suited you?
 
“Hindi siya EPAL, trust me—I wish sometimes umepal na lang siya, pero hindi siya ganun.”
 
Sinabi pa ni Kris na hinarap ng mga naulila ng 44 SAF members si PNoy nang maayos at may respeto, nang magtungo ang Pangulo sa Camp Bagong Diwa noong January 30.

 
LOADING CONTENT