advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rhian Ramos tapped to replace Marian Rivera as star of 'The Rich Man's Daughter'


Si Rhian Ramos ang napiling pumalit kay Marian Rivera sa GMA primetime series na The Rich Man's Daughter.

Ayon sa impormasyong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa Lunes, April 20, magsisimulang mag-taping si Rhian para sa role niya bilang Jade Tanchingco.

Noong Biyernes, April 17, inanunsiyo ng GMA Network ang pag-atras ni Marian sa kanyang ginagawang primetime series, pati na rin sa ilang natanguang commitments abroad, dahil sa “delicate condition” nito.

Kasalukuyang buntis si Marian sa unang anak nila ng mister na si Dingdong Dantes.

Bago nag-backout si Marian sa proyekto ay nakapag-taping at nakapag-pictorial na siya, kaya inaasahang kukunan muli ang mga eksenang nakunan na niya.

Kaugnay nito, isang maikling statement ang ipinadala ni Rhian sa PEP ngayong gabi, April 19, sa pagkakapili sa kanya upang pumalit kay Marian.

Narito ang pahayag ni Rhian:

"Nagpapasalamat po sa GMA sa tiwalang binigay sa akin na ganapan ang role na JADE sa teleseryeng THE RICH MAN'S DAUGHTER. I look forward to the challenge of portraying the character.

"My very best wishes and congratulations to Ate Marian Rivera Dantes! I wish her a happy, comfortable, and safe pregnancy."

Inamin ni Marian noong nakaraang Lunes na buntis siya. -- PEP

For more showbiz stories, visit PEP.
LOADING CONTENT