Filtered By: Showbiz
Showbiz

Judy Ann Santos, ibinahagi ang mga pwedeng gawin para maging matatag ang pagsasama ng mag-asawa


Ilang taon na ring kasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kaya hindi naman kataka-taka na kung minsan ay dumaraan sila sa mga pagsubok at intriga.

Ang mahalaga raw ay nananatiling matatag ang pagsasama nilang dalawa kasama ang kanilang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna.

Ayon sa aktres, “Siguro parang feeling ko, importante rin na nag-e-enjoy kayo, napagtatawanan niyo ang isa’t isa.

“Nagagawa niyo pa rin na nagdi-date kayo, you talk to each other as friend, as husband and wife, as parents.

“Ano naman kami ni Rye, natatanggap ko kung ano ang critique niya sa akin, ganun din naman ako sa kanya.

“Siguro, along the way, may mga bagay na hindi napag-uusapan ng mag-asawa, kapag pinalipas niyo, lumalaki.

“Natatakpan ng ibang bagay hanggang sa bumigat na nang bumigat hanggang sa may isa nang lumet-go.”

Naniniwala rin si Juday na sa pagsasama ng mag-asawa, kapag may isang kumalas, mahirap na raw mabuo.

“Kapag may isa nang lumet-go, wala na yun, mahirap na, e,” saad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa shooting Cinemalaya movie at Palanca awardee na Kusina.

STAYING ATTRACTIVE. Sa punto ng letting go, malayo mang mangyari ito sa kanila ni Ryan, masasabi bang matapang na magagawa ito ni Judy Ann kung sakali?

Tugon niya, “Hindi ko masasabi, hindi ko talaga mapi-predict.

“Hindi mo masasabi kung ano ang puwede mong maramdaman at that moment.

“Iba-iba ang sitwasyon, iba-iba ang dating ng mga tao sa bugso ng damdamin.

“Hindi mo alam kung tama pa ba ang sinasabi mo, kung tama pa ba ang ginagawa mo.

“Basta ang alam mo lang, you want to get even.

“You know for yourself na tama yun kasi ikaw ang nadehado, e.

“Pero ako, babalik naman talaga ako dun sa dapat mas maaga, napag-uusapan, mas okey.”

May mga nagsasabing naghahanap minsan ng iba ang lalaki sa mababaw na dahilan.

Kesyo nag-iba na ang pigura ng babae o hindi na ito masyadong nakapag-aayos.

Sabi naman ni Judy Ann, importante talaga na hindi pa rin napapabayaan ng asawang babae o kahit ng lalaki ang pisikal na anyo.

“I think importante yun. Kapag nawala yun, maalarma ka na.

“You should do something about it.

“In the first place, you married your husband because of physical attraction.

“Kung walang physical attraction, magdo-domino effect na yun to emotion, lahat.

“I think when you’re married, it’s a constant work and progress.” -- For full story, visit PEP.ph



 

LOADING CONTENT